Matteo military wedding ang pinapangarap, nai-imagine ang mangyayari âpag nakasama ang parents ni Sarah

Matteo military wedding ang pinapangarap, nai-imagine ang mangyayari ‘pag nakasama ang parents ni Sarah

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

Ini-reveal ni Matteo Guidicelli na naka-schedule na pala talaga ang 2nd wedding nila ni Sarah Geronimo right after their civil wedding pero hindi raw ito natuloy because of the pandemic. “A week before lockdown, Feb. 20, 2020, we got married, very small wedding,” sey ni Matteo sa panayam niya with Toni Gonzaga for her YouTube vlog. “A week after were supposed to be our wedding with our friends. But the lockdown happened. Everything was planned.”

Bagama’t napakaraming lumabas na issues about the wedding, ayon kay Matteo ay napakaganda pa rin ng araw na ‘yun para sa kanila. “At the end of the day, it was a beautiful day of two people synergizing together and becoming as one. That was one of the best days of my life. It wasn’t perfect but I consider it the best day of my life,” he said.

He also revealed na kung siya ang masusunod, military wedding talaga ang dream niya. “Of course, my dream was to really have like a wedding-wedding, actually a military wedding. It’s my dream, you know, with all my relatives, friends, people that watched with me since day 1. That was the wedding I wanted.”

Si Sarah naman daw ay gusto talaga ng very private and solemn wedding kasama ang kanilang pamilya. At dito na nga kasuwal na sinundot ni Toni kung bakit wala nga ang pamilya ni Sarah sa kasal.

“Of course, that would have completed my wife’s dream. In God’s time, in time, be positive (that) things will heal and things would be better,” wika ng aktor.

When asked kung nakikita ba niya ang sarili in five years na kasama sa dinner ang pamilya ni Sarah and having a good conversation, ani Matt, “I imagine that at all time, I imagine that at all time, not just for me but obviously, primarily for my wife, but also for my family, my parents.”

Pero positibo naman si Matteo na isang araw ay mangyayari rin na magkakasama-sama rin ang mga pamilya nila at magiging maayos ang lahat. Aniya ay ito raw ang dream naman ng kahit sinong pamilya.

TikTok nina Winwyn, Jackie at Mahal, mahigit 6-M views na

Benta sa netizens ang #ThaiDanceChallenge ni Winwyn Marquez sa TikTok kasama sina Mahal at Jackie Lou Blanco. Wala pa ngang isang araw ay pumalo na ito sa 5 million views na talagang ikinagulat at ikinasaya ng stars ng Owe My Love.

Sa huling silip namin, may mahigit 6-M views na ang nasabing #Thai­DanceChallenge na ayon kay Winwyn ay si Mahal daw ang nagdala. Pabirong hirit pa ni Winwyn sa kanyang IG story: “Si ate Mahal lang talaga ang malakas! Back up lang kaming 2 ni tita @jackielou.blanco”

Ang Owe My Love ang upcoming GMA Public Affairs romantic-comedy series na ipapalabas sa Kapuso network. Kitang-kita sa kanilang video na super enjoy sila Winwyn habang naka-break sa ongoing lock-in taping para sa nasabing show na pagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

MATTEO GUIDICELLI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with