Mikee, may kailangang tapusin kahit nag-aartista

Mikee, may kailangang tapusin kahit nag-aartista

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

Isa sa guest choices sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga kahapon ang mother ni Mikee Quintos na si Jo Quintos para sa tanong kung sino ang nanay ng artista.

Tumama naman si Michael Pacquiao na guest sa pagpili kay Jo. Sa interview sa kanya, sinabi niyang apat ang anak niyang babae. Sa apat na maria niya, si Mikee raw ang pinakapasaway, huh!

“Pero sa bandang huli ay siya rin naman ang humihingi ng sorry. Bata pa lang gusto na niyang mag-artista. Siya rin ang nag-e-entertain sa mga bisitang dumara­ting sa bahay noong bata pa siya,” sabi ni Jo.­

Ang tatay ni Mikee ay si Konsehal Wardee Quintos ng Sampaloc, Manila. ­Naging konsehal din ng Sampaloc si Jo at ngayon ay nagtatrabaho bilang isa sa staff ni Mayor Isko Moreno.

Biro ni Jose Manalo kay Jo, “Para lang kayong magkapatid!”

Natutuwa ang nanay ni Mikee sa projects na binibigay ng GMA sa anak. Nasa lock-in taping nagyon ng Lost Recipe ng GMA News and Public Affairs si Mikee. Wish ni Jo kay Mikee, “Sana magtuluy-tuloy na ang pagpapapayat niya!”

Sa totoo lang, artistahin si Jo pero hindi raw siya pinayagan ng tatay niya. Pinayagan nila si Mikee na mag-artista pero need niyang tapusin ang pag-aaral ng architecture sa UST.

MIKEE QUINTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with