Heart, na-excite mag-tour guide kay Lisa ng Blackpink
Heart

Heart, na-excite mag-tour guide kay Lisa ng Blackpink

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

Willing si Kapuso Queen of Creative Collaborations and wife of Sorsogon Governor Chiz Escudero, Heart Evangelista, na maging tour guide ni Lisa Manoban ng Blackpink. Sa isang interview kay Lisa, nasabi niyang kapag nakabalik siya sa Pilipinas, gusto niyang ituloy ang balak niya noon na bumisita sa Chocolate Hills sa Bohol at makipag-interact and swim together with the famous whalesharks sa Sorsogon.

Nang una palang pumunta rito si Lisa ay sinabi na niya sa manager niya na gusto niyang mag-swim with the whalesharks, pero hindi raw ito pumayag at mahirap pumunta doon. Kaya promise daw ni Lisa na next time na bumalik siya ng Pilipinas ay tutuparin niya ang wish niya.

Isang netizen daw ang nag-tag kay Heart tungkol sa wish ni Lisa at sagot nito: “OMG... super-willing akong mag-tour guide kay Lisa. #MahalKongSorsogon.”

Madalas ngayong nasa Sorsogon si Heart dahil nag-open siya roon ng bagong business, showcasing native Sorsogon products, and taking part sa relief operations for residents affected by the COVID-19 pandemic.

Napapanood ngayon si Heart sa rerun ng My Korean Jagiya with Korean actor Alexander Lee, every night, after Descendants of the Sun PH sa GMA 7.

Bea, may pahabol na blessing 

Blessed si Bea Alonzo, dahil kahit patapos na ang 2020, may bago pa siyang endorsement na pumasok.  Siya ang brand ambassador ng ­Beautederm for Etre Clair All-Natural Antibacterial Mouth Spray! Sabay na sa paglo-launch sa kanya ang TV commercial ng said product ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan.

Heard na katatapos din lamang mag-shoot si Bea ng solo TVC niya para sa isang brand ng shampoo.

Marami nang naghihintay ng bagong projects na gagawin ni Bea sa pagpasok ng 2021.

Andrea, ayaw pag-usapan ang hiwalayan

Maraming naghintay sa interview kay Kapuso actress Andrea Torres nang mabanggit niya ang issue sa kanila ni Derek Ramsay, pero ang mga plano lamang niya sa parating na Pasko ang napag-usapan sa 24 Oras. Tulad daw ng mga nakaraang Pasko, ang kanyang pamilya pa rin ang makakasama niya in celebrating Christmas 2020.

Sa ngayon ay naghahanda na si Andrea sa bagong serye na gagawin niya sa GMA Telebabad, ang Legal Wives na makakatambal nila nina Alice Dixson at Bianca Umali si Dennis Trillo.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with