Mikael at Megan, susubukang tumira sa isla
Mikael at Megan

Mikael at Megan, susubukang tumira sa isla

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

May plano palang manirahan sa isang island ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young. Nabasa namin ang post ni Mikael sa Instagram na “ 2021 is just around the corner! Boneezy (Megan) and I have been thinking about where to stay as our lease is about to end in our current residence:) Island life was very char­ming and still something I would love to try out. Maybe a 3-month test run of living on one of the beautiful sandy beaches of the Philippines is our next adventure?! Any suggestion of where we should move to? Extremely reliable and fast internet is a requirement btw.”

Kanya-kanyang suggestions ang followers ni Mikael, gaya ng Baler, Zambales, Amanpulo, Camiguin, Siargao, Bohol, Palawan, Pagudpod at La Union na suggestion ni Lauren Young na hipag ni Mikael.

Naalala namin, nabanggit dati ni Lauren na magre-relocate na siya sa La Union dahil gusto niyang manirahan sa tahimik na lugar. Malapit lang naman daw ang La Union sa Manila at kung may work siya, hindi siya masyadong malayo. Pero, parang nasa Manila pa rin si Lauren hanggang ngayon.

Anyway, tapos na ang lock-in taping nila Mikael ng GMA 7 series na Love of My Life na malapit-lapit na ring bumalik sa telebisyon. Hindi pa bumabalik ang segment ng aktor sa Saksi na puro tungkol sa pagkain, kaya may time sila ni Megan na maghanap ng bago nilang lilipatan.

Unless, sundin nila ang payo ng isang netizen na right time na for him and Megan to buy their own house and start their family. Ang hassle raw na tuwing mag-e-expire ang lease nila sa tinitirahan nila, maghahanap na naman sila ng panibagong titirahan.

Martin at Pops ididirek ng anak

Sa mga nababasa naming comments, excited na ang lahat na mapanood ang bagong TV show nina Martin Nievera at Pops Fernandez. Nag-taping na ang dalawa sa kanilang show na may title na Exes and Whys o #exesandwhys at mapapanood sa Colours channel ng Cignal TV.

What makes the reunion show of Pops and Martin more exciting is the director na walang iba kundi ang panganay nilang si Robin Nievera. Sabi nga ni Pops, “When the director is @robinnievera...” at kasama sa kanyang post ang litrato nilang tatlo habang nasa taping.

Sa picture naman nila ni Martin, ang caption ni Pops na “EX” cited to be back on screen with the one and only @martinnievera. Directed by @robinnievera happening soon...” na lalong nagpa-excite sa mga nakabasa.

Nakakatuwa na hindi lang fans ang looking forward na mapanood ang Exes and Whys dahil pati celebrities, nagpahayag ng excitement na muling mapanood sina Pops at Martin. Naalala nila ang Penthouse Live hosted din nina Martin at Pops sa GMA 7 at kung saan sila nagkakilala, naging magkaibigan, nag-ibigan at naging mag-asawa hanggang maghiwalay.

Speaking of Pops, nagpi-pinch hit siya kay Lani Misalucha na judge ng ­singing competition ng Kapuso Network na The Clash na parang hanggang sa grand finals na siyang magiging judge. Hindi pa rin naman bumabalik ang Centerstage kung saan judge si Pops kasama sina Aicelle Santos at Mel Villena.

Luis, pumatol sa bintang na break na sila ni Jessy

Barado kay Luis Manzano ang netizen na nag-comment na break na sila ni Jessy Mendiola sa sagot ni Luis na “ok po. Nakalunok ka ba ng buto ng durian?” Humirit pa ang netizen na dapat aminin na ni Luis na break na sila ni Jessy.

Hindi na pinatulan ni Luis ang netizen na wala yatang magawa o hindi updated sa mga balita. Heto nga at sunud-sunod ang balitang baka ikasal na sina Luis at Jessy dahil may picture na engagement ring na raw ang suot na ring ni Jessy.

Kasunod nito, nakita si Jessy na parang nagpi-fit ng wedding dress, tapos may magsasabing break na ang dalawa?

Mabuti at ‘yun lang ang reaction ni Luis sa netizen. Mas grabe ang reactions ng fans nila ni Jessy, hindi na nakahirit ang netizen.

MEGAN YOUNG MIKAEL DAEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with