Janella tinantanan sa intrigang panganganak

Janella tinantanan sa intrigang panganganak

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

Tinantanan na si Janella Salvador sa isyu ng diumano’y pagbubuntis at panganganak niya sa London.
Quiet na ang paligid tungkol dito.

Pero marami pa ring followers niya ang makulit na sa bawat post ng actress ay panay ang comment na picture naman daw sana ng baby niya ang i-post niya.

Meron namang comment na hindi pa rin siya mukhang mommy.

Besides, bihira na rin siyang mag-post kaya siguro walang gaanong reaction ang fans.

Ang sinasabi namang ama ng baby niya na si Markus Paterson ay a week ago pa nag-post na magkasama sila na may caption na “miss being your goofball” pero walang trace na may baby na nga sila.

Actress, sinira ang ‘tulay’ sa Kapamilya

True pala na malabo nang makabalik sa ABS-CBN ang isang former Kapamilya actress na napapanood na sa ibang channel.

In a way daw ay nagsunog ito ng bridge sa network dahil bago umalis ay nag-demand pa ito ng guaranteed contract kahit na nga walang franchise ang kanilang network ayon sa chika ng isang source kahapon.

Samantalang kung tutuusin daw ay sa nasabing network nga siya sumikat.

Ang boyfriend daw kasi nito ang adviser niya kaya malakas ang loob ni actress.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with