Vice, nakumbinsi nang magkaroon ng sariling anak!

Vice, nakumbinsi nang magkaroon ng sariling anak!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

Finally ay na-convince na rin ni Ogie Diaz si Vice Ganda na magkaroon din ng sarili niyang anak. Sa latest vlog ng reporter/talent manager/comedian, ini-reveal niya na kino-consider na raw ito ng TV host/comedian.

Matatandaang noon pa pinapayuhan ni Ogie si Vice na magkaroon din ng sari­ling anak pero ang laging sinasabi sa kanya ng Unkabogable Star ay hindi niya ito kaya.

Ang sey nga ni Vice Ganda noon sa kanya, hindi nito kayang makipagtalik sa isang babae. Pero sinabihan siya ni Ogie na hindi naman niya kailangang gawin ‘yun para magkaanak dahil may mga scientific ways na naman ngayon tulad nga ng IVF (in vitro fertilization) or artificial insemination.

Pero sa latest vlog ni Ogie Diaz, ikinuwento niyang napapayag na rin niya sa wakas si Vice Ganda. “Eto nga, eh, ka-text ko si Vice,” kuwento ni Ogie, “sabi ko, ‘Vice, anuhin na natin ‘yung ano mo, ha, karerin na natin ‘yung ano mo,’ magkaroon siya ng anak.”

May kilala raw siyang doktor na siyang magpoproseso kaya hinihimok niya si Vice. “Sabi ko, “mag-ano ka, ikalat natin ‘yung lahi mo.’ Hindi, si Vice kasi, matalino, grabe ang sense of humor, ‘di ba? May mag-extend man lang nu’n. Kaya ‘yung anak,” sey ni Ogie.

Sagot daw sa kanya ni Vice, “sige karerin natin.”

Na-excite si Ogie for Vice at aniya, sasamahan daw niya ito sa doktor dahil kilala niya ito. “Ima-match mo lang ‘yung sa kaninong egg ang ima-match ‘yung sperm ni Vice, so mamimili ka ro’n. Sa Thailand yata ginagawa ‘yun,” aniya.

“O ‘di ba, mas masarap pa ring makakita ng younger version ni Vice,” sey pa ni Ogie.

Ngayon pa lang ay excited na raw siya since being a father himself ay alam niya kung gaano kasarap magkaroon ng anak. “Tatay kasi ako, gusto ko siyang maging tatay. Para mag-iba rin ‘yung perspective niya in life rin,” ani Ogie.

Marahil ay gusto na ring bumuo ng sariling pamilya ni Vice kasama ang kanyang dyowang si Ion Perez kaya kino-consider na rin niyang magkaroon ng anak.

OGIE DIAZ VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with