Ken Chan, sumabak sa firearm training

(Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kakaiba at challenging ang karakter na ipakikita ni Ken Chan para sa upcoming Kapuso series na Ang Dalawang Ikaw. 

Kamakailan nga ay sumabak si Ken sa firearm training bilang paghahanda sa kanyang karakter sa serye na si Nelson.

Si Nelson kasi ay may dissociative identity disorder o DID kaya wala siyang malay na nakakabuo siya ng alternate personalities at isa riyan si Tyler, isang gun dealer/smuggler.

Extrovert si Tyler na mala­yung-malayo sa totoong personalidad ni Nelson. Magkakaroon din si Tyler ng girlfriend sa katauhan ni Beatrice, na gagampanan ni Anna Vicente, kahit pa may asawa na si Nelson, si Mia, na gagam­panan naman ni Rita Daniela.

Makakasama rin nila sa drama sina Dominic Roco, Jake Vargas, Joana Marie Tan, at Jeremy Sabido.

KEN CHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with