Sylvia handa na rin sa lock-in

Sylvia handa na rin sa lock-in

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

Nang tanungin ko last week si Sylvia Sanchez kung kailan ang start ng lock-in taping nila for Huwag Kang Mangamba series ng ABS-CBN, sinabi niyang December 4 na ‘yon na inulit niya kahapon.

Ang Huwag Kang Mangamba series ay pagbibidahan ng Gold Squad members na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin (napapanood pa siya sa FPJ’s Ang Probinsyano, pero tatapusin na raw ang role niya), Francine Diaz at Kyle Echarri.

Star-studded ‘yon dahil bukod kay Sylvia at sa apat na nabanggit, kasama rin sa serye sina Eula Valdes, Mylene Dizon, Diether Ocampo, Nonie Buencamino, RK Bagatsing, Matet de Leon, Dominic Ochoa at Angeline Quinto.

Ang Huwag Kang Mangamba series ang dahilan kung bakit hindi natanggap ni Sylvia ang offer ng TV5 na magbida sa Christmas-serye na Paano Ang Pasko?

Speaking of Paano Ang Pasko?, delayed na naman pala ang taping nila dahil hanggang mid-December pa raw sila sa kanilang lock-in taping, so, mabuti na rin na hindi nga si Sylvia ang nagbida sa Christmas-serye na ‘yon.

Sobrang thankful nga pala si Direk Perci Intalan, isa sa producers at directors, na maganda ang feedback sa Paano Ang Pasko?

Hindi man kagandahan pa ang ratings nila, still, pinag-uusapan ang Paano Ang Pasko? at pinapasok din sila ng advertisers.

Sa mga nagsimulang shows ng TV5, ang Paano Ang Pasko? ang may pinakamagandang feedback, huh!

Malay natin, baka dahil sa word of mouth na maganda nga ‘yon ay mag-improve rin ang ratings ng series na ‘yon, ‘noh?!

Agree, Ateng Salve?

Aktres, nagsisising ibinenta ang bahay sa mamahaling village

In fairness sa premyadong aktres na ito, malaki na talaga ang pinag-mature ng ugali niya dahil hindi na siya madaling mapikon!

Si premyadong aktres mismo ang nagkuwento sa akin na hindi siya pinapasok ng mga guard sa village na dati niyang tinirhan.

Sabi ni aktres, galing daw kasi siya sa isang guesting at nang madaanan niya pauwi ang dating village na tinirhan, nag-try raw siyang pumasok.

“Sabi ko sa mga guard sa gate ng village, ‘Mga Boss, puwede kaya akong makapasok? Gusto ko lang makita ‘yung labas ng bahay na dating tinirhan ko?’

“Pero hindi nila ako pinapasok. Hindi raw puwede kasi hindi naman ako bisita ng owner na ng dating bahay ko. Pero hindi ako nairita. Ok lang. Natuwa nga ako na mahigpit ang mga guard, feeling safe talaga sa village na ‘yon, so, kung bibili uli ako ng bahay, gusto ko doon uli sa village na ‘yon!” sabi ni premyadong aktres.

Aminado rin si premyadong aktres na pinanghihinayangan niya ang naging desisyon noong araw na ibenta ang bahay at lupa na ‘yon sa nasabing village.

Sana nga raw ay nakinig siya sa payo na huwag i-dispose ‘yon. Pero may kasabihan nga, palaging nasa huli ang pagsisisi!

Sa ngayon, ang dapat na lang gawin ni premyadong aktres ay magtrabahong mabuti para makabili uli ng property sa village na ‘yon, pero ang nakakaloka lang, sobrang nagmahal na ang presyo noon!

‘Yun na!

SYLVIA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with