Martin at Pops, forever BFF na

Martin at Pops, forever BFF na

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 1, 2020 - 12:00am

Feelings change in relationships sabi nila. Kaya nga siguro ‘yung mga in love ngayon, bukas nagbago na, pero sana walang bitterness.  Talagang pupurihin mo sina Martin Nievera at Pops Fernandez dahil kahit public figures silang dalawa, naging best of friends pa rin sila after their breakup. ‘Yung marriage nila hindi man naging forever, pero ‘yung friendship naman nila panghabambuhay.

Sana ‘yung mga naghihiwalay na mag-BF/GF, o kahit married couple ay gayahin sina Martin at Pops. Walang ugly words, walang sumbatan, kaya na-maintain nila ang respeto sa bawat isa.

Maganda sana ‘pag ganito lahat ng paghihiwalay, you end as friends, at puwede pang maging best of friends dahil comfortable kayo sa isa’t isa.

Mga bagong panganak na sanggol, nakaka-worry ang future

I feel outdated o baka naman sobra lang ang anxiety ko to think na paano na ang mga batang nag-baby boom ngayong pandemic? Dahil nga sa quarantine, laging magkasama sa loob ng bahay at na-lock in, ang dami nang balita na magkakaroon ng baby at manganganak.  To think of how uncertain ng lahat, economy, health, almost all affected na ng pandemic. Paano na ang walang fallback?  Paano na ‘yung career lang nila ang inaasahan at walang iba pang magiging source of income?  Hindi maliit na bagay ang responsibilidad na maging isang magulang. Ang laki ng dapat mong paghandaan, hindi lang ‘yung pagiging baby niya, kundi dapat malayo pa ang tingin mo, pati sa magiging future nila.

Well, siguro nga throw your anxiety to the winds, maaayos din iyan, laging may bagong umaga, laging may pag-asa.  Sana lang, kahit pandemic babies sila, survivor sila at magkaroon ng magandang future.

QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with