Kim, ni-recycle ang Christmas tree

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 1, 2020 - 12:00am

Tapos nang ayusin ni Kim Chiu ang kanyang 12-feet Christmas tree na taun-taon niyang ginagawa as in siya talaga mismo ang nagde-decorate ng pagkataas-taas na puno.

Makikita na sa kanyang YouTube channel (na taon-taon din niyang ginagawa) ang pag-ayos ni Kim sa kanyang Christmas tree. Sey nga niya, kahit pandemic, siyempre ay tuloy pa rin ang nakaugalian niya pero medyo naiba nga lang daw this time.

“Hindi muna ako bumili ng mga Christmas decors and i-recycle ko na lang ‘yung mga Christmas decors ko through the years and pagtatagpi-tagpiin ko sila and pagsasama-samahin ko sila,” sey ni Kim.

Siyempre, ‘yung dati pa ring Christmas tree ang ginamit niya na five years old na raw. Pati Christmas lights ay hindi na rin siya bumili’t ‘yung dati na rin ang ginamit niya dahil umiilaw pa naman daw. “Papayat na siya (Christmas tree) nang papayat through the years, but it is still 12 feet high,” sey pa niya.

This year ay red ang motif niya na hinaluan niya ng silver and white.

Bagong Totoy Mola, may bagong house and lot agad

Palaban, daring at mapangahas ang newbie actor na si Ricky Gumera. Sa kanyang press launch last Sunday ay pasabog ang kanyang ginawa na naghubad siya isa-isa ng kanyang saplot sa harap ng vloggers and entertainment press.

Humarap si Ricky sa press na naka-formal dress siya pero habang rumarampa siya sa pool side ay isa-isa na niyang hinuhubad ang kanyang suot hanggang sa swimming trunk na lang ang natira.

Pagkatapos ay tumalon siya sa pool, nag-swimming at hinubad pa ulit ang trunks and revealed his T-back underwear. In fairness, kakaiba ang kanyang ginawa kaya naman sigawan ang mga kapatid na bading.

Bagong Totoy Mola ang tawag kay Ricky na matatandaang unang ibinansag kay Jay Manalo nang gawin nito ang sexy movie with the same title noong dekada ‘90.

Ano ang reaksyon na tinatawag siya na bagong Totoy Mola? “Sobrang nakakatuwa kasi Jay Manalo ‘yan, eh! Trademark niya ‘yan. ‘Pag binansagan kang bagong Totoy Mola, pabor sa akin ‘yan. May maipagmamalaki naman ako! Makikita niyo sa movie,” sey ni Ricky sabay tawa.

Okey lang ba ‘yung dati ay Mr. Global Philippines ang title niya tapos ngayon ‘Totoy Mola’ na? “Ay, okey lang sa akin kasi iba na itong pinasok ko, eh,” tugon ng talent ni Meg Perez under Megamodels Events and Talent Management.

“Ang laki po talaga ng adjustment ko sa pag-aartista na galing sa pageant. Kasi nga wala akong experience sa acting. Fulfillment sa akin ‘yung role na binigay ng Godfather Productions (producer ng Anak ng Macho Dancer). Challenging, markado,” dagdag pa niya.

Not only that dahil binigyan siya agad ng Godfather Productions producer na si Joed Serrano ng bonus na house and lot. Ibabawas na lang ito sa share niya ‘pag kumita ang Anak ng Macho Dancer. Nangako rin ang producer na divided by 6 ang lahat ng kikitain ng naturang pelikula sa mga bagets niyang artista kabilang na si Ricky.

Sa unang kita ni Ricky sa Anak ng Macho Dancer ay nag-share siya ng 20 percent para sa church. Pinakain din niya sa labas ang kanyang pamilya

Nakatakdang magkaroon ng premiere night ang Anak ng Macho Dancer sa December. Posibleng ganapin ito sa UP Film Center para uncut version ang mapanood. Sinuportahan ito nina Jaclyn Jose, Allan Paule, Jay Manalo, Emilio Garcia at Rosanna Roces. Ito ay sa direksyon ni Joel Lamangan.

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with