Resto ni Alden, isasara muna!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - December 1, 2020 - 12:00am

Ikinalungkot ng fans ni Alden Richards ang nabasang post ng Concha’s Garden Cafe na “Till we eat again, QC” at “Thank you for enjoying our food until December 31, 2020.” Pansamantalang isasara nina Alden at ng kanyang kasosyo ang branch ng Concha’s sa Quezon City.

Kaya nalungkot ang fans ni Alden dahil ginawa nilang meeting place ang resto and, of course, naging favorite rin nila ang food na sine-serve rito. Sa nasabing resto rin nila madalas makita si Alden kapag bumibisita at kanilang nakakakuwentuhan.

May pangako naman sa announcement na  “Till we eat again,” kaya umaasa ang fans pati na rin ang patrons na pansamantala lang ito. Muli ring magbubukas kapag masigla na uli ang ekonomiya ng bansa.

Hindi na lang siguro nakaya ang overhead ng resto lalo’t naalala namin ang nabanggit ni Alden na wala siyang tinerminate sa employees at inayos na lang ang schedule at alternate na lang na papasok ang workers. Kaya lang, hindi na talaga kinaya, kaya nagdesisyon na isara muna ang Concha’s.

Mayroon pa naman hanggang Dec. 31 ang loyal patrons and customers ng restaurant to enjoy the food.

Speaking of Alden, ngayong Dec. 1, magsisimula ang pre-order ng new single niyang Goin’ Crazy sa iTunes at sa Dec. 8, sa araw mismo ng kanyang Alden’s

Reality concert ang release. Special ang concert na ito kay Alden dahil celebration din ng 10th year niya sa showbiz. “Pinush kong matuloy ang concert na ito, deep down in my heart sabi ko parang ‘di tama na palagpasin ang 10th anniversary ko na walang ibibigay sa fans. Big deal ito sa akin para sa fans who supported me,” sabi ni Alden.

Guest sa Alden’s Reality ang December Avenue at ang magkapatid na sina Rodjun at Rayver Cruz. Directing the first virtual concert in the country is Paolo Valenciano.

Vina, nag-lock in sa bahay nina Robin at Mariel

May kuwento ang manager ni Robin Padilla na si Bechay Vidanes sa pagpunta ni Vina Morales sa bahay nina Robin at Mariel Rodriguez para mag-taping ng sitcom na Kesaya Saya na pinagtatambalan nina Robin at Vina sa Net 25.

Kuwento ni Bechay, pagdating niya ng bahay nina Robin, pina-swab test sila to follow the safety protocols. Ipinagamit daw nina Robin at Mariel kay Vina ang bedroom ng kanilang mga anak na sina Isabella at Gabriella. Siniguro raw ng mag-asawa na okay sila lahat na nasa taping.

Tiniyak ni Robin na malinis ang lahat ng lapel, merong printed script, may water, at pizza na merienda sa set. Malinis ang location at masarap ang food na niluto pa mismo ni Mariel.

Si Mariel daw ang camera woman, taga-focus ng camera, props woman, taga-bigay ng water, tagaayos ng hair at taga-ayos ng damit.

Si Robin naman ang cameraman, audio man, light man, tagabuhay ng mga ilaw, tables, chairs, at tagaalalay sa lahat. Bago nag-start ng taping, inalam muna ni Robin kung anong oras ang DOLE cut off?

Sabi ni Betchay, “We finish sakto 12:12 midnight sa mga eksena ni Vina at nagpaalam na si Vina. Hindi pa pala siya (si Robin) tapos, nag-set up ulit ng ibang scene na walang kasama, basta GRABE... after nu’n nag-transfer at nag-preview ng material ulit silang dalawa para mapadala sa production.”

Nabanggit na nga ni Robin na sa talk show niyang Unlad sa TV5 din na sa bahay nila sinu-shoot ang kanyang spiel, si Mariel din ang kanyang camera woman, light woman, director at nagsusulat ng script.

Bea, bagong DOLE ambassadress

Pinost ni Bea Binene sa kanyang Instagram ang appointment paper niya sa pagtatalaga sa kanya ng Department of Labor and Employment (DOLE) bilang Labor Ambassadress. Si Secretary Silvestre Bello mismo ang nagbigay ng appointment paper sa kanya.

Sabi ni Bea, “Went to Pangasinan for a shoot of @ohmyjobphi­lippines yesterday. And thennn, this happened during our live! This is suuuuch an honor (and a responsibility, of course!) Thank you, Director Rolly, Labor Secretary Bello and of course, the whole DOLE family!”

Si Bea, ang host ng Oh My Job! na napapanood sa GMA News TV at DZBB, 1-2 p.m.  Bea is doing a good job as host ng OMJ, pero may fans siyang gusto pa rin siyang mapanood na umaarte sa isang teleserye.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with