^

Pang Movies

Max, wala pang planong balikan ang trabaho

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mukhang wala pang plano si Max Collins na bumalik agad sa trabaho dahil enjoy siya sa kanyang pag-aalaga sa baby nila ni Pancho Magno na si Skye Anakin.

May bagong developments daw si Skye na ayaw ma-miss ni Max kaya nagiging learning experience daw ang parati siyang naka-focus sa baby.

“Gusto niya talagang magsalita, ang cute lang to see the changes. Nagre-respond na siya, before hindi pa masyado. Ang bilis lang ng deve­lopment. He’s already interactive even when he was two months pa lang,” ngiti ni Max.

May sinusunod din daw na daily routine sina Max at Pancho sa pag-alaga kay Skye. “Usually sa umaga pinapaliguan namin siya, and then magna-nap siya, and kaming dalawa ni Pancho, inaaliw lang namin siya buong araw. In between the whole day I’m breastfeeding. Kapag medyo fussy siya we play lullabies.”

Dennis, sunud-sunod ang lock-in

Mae-experience ulit ni Dennis Trillo ang lock-in taping dahil magsisimula na ang taping para sa GMA teleserye na Legal Wives kung saan makakasama niya sina Andrea Torres, Bianca Umali at Alice Dixson.

Unang lock-in taping ni Dennis ay ang I Can See You na one week lang ang pag-stay nila nina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos sa isang resort.

Ngayon ay three to four weeks ang itatagal ng lock-in ­taping niya kung saan gaganap si Dennis bilang isang Muslim na may tatlong asawa.

Natuwa si Dennis sa kanyang character na si Ismael at marami siyang nalaman tungkol sa kultura ng mga Maranaw habang binabasa ang script.

“Parang nabigla ako nu’ng umpisa pero nu’ng nabasa ko naman ‘yung script ang ganda ng ginawa nila rito. Mai-in love ka sa bawat character, mai-in love ka du’n sa kultura.”

Brad Pitt, nasigawan noon ng direktor

Naikuwento ng Hollywood actor na si Brad Pitt na minsan na siyang nasigawan ng direktor noong umeekstra pa lang siya sa mga pelikula.

May isang pagkakataon daw na muntik na siyang tanggalin sa isang movie dahil hindi siya sumunod sa instructions ng direktor.

Kuwento ni Pitt sa W Magazine: “I was an extra in Charlie Sheen’s movie, No Man’s Land in 1987. I was a waiter in a big dinner scene pou­ring champagne in glasses. I thought, ‘I’m gonna try to get a line in.’ When they said action, I started pouring champagne and I asked one of the women, ‘Would you like anything else?’ She eyed me and went ‘ugh.’”

Nag-cut ang director and warned Pitt na kung susubok ulit siyang mag-dialogue, they would kick him out of the set.

Katuwiran ni Pitt na kaya gusto niyang magkaroon ng speaking line ay para makakuha siya ng SAG card.

“I was an extra for a year and a half, but to receive a speaking role, a SAG card was needed,” sey ni Pitt.

Thirty three years later, Brad is one of the biggest actors in Hollywood and won his first Oscar last February for best supporting actor in Quentin Tarantino’s Once Upon A Time In Hollywood.

vuukle comment

MAX COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with