Andrea, hindi bitter sa hiwalayan
Andrea

Andrea, hindi bitter sa hiwalayan

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 30, 2020 - 12:00am

Maganda naman ang balita na Andrea Torres is moving on beautifully from her breakup. Dapat naman talaga na ‘pag naghiwalay kayo, may sadness pero sana walang bitterness. Na sana with all the good memories in your heart and mind, nandu’n pa rin ang respeto sa naging karelasyon mo.

Mahirap lang talaga ‘pag mga public figures kayo dahil ang daming outside factors na sumasali, pero in the end, kayong dalawa lang naman ang importante.

Palagay ko, ‘yung naging love story nila Andrea ay nagkaroon naman ng magandang iniwang alaala sa puso niya, nasaktan siya pero hindi nag-regret dahil alam niya na minahal siya nang tunay ng lalaking minahal niya. In fact,feel na feel mo ang respeto nilang dalawa sa bawat isa, no hurting words, just quiet acceptance.

I say kudos to both of them dahil sa respeto na ipinakita nila after the breakup. Andrea Torres is a beautiful lady with a good heart, kaya for sure, she will find her piece of happiness someday soon.

Bravo, Andrea, good job, move on with grace and standing tall always, you are a precious gem. Don’t forget that.

Pasko, pinalulungkot ng ulan

Naku naman, bakit panay na naman ulan eh malapit na ang Pasko? Para naman talagang paramdam ng pag-iyak ng marami dahil sa mga nagaganap around us.

But remember, lagi na after the rain, the brightest day will come. Kailangan din natin ng mga ganitong pagsubok sa buhay to make us grateful for all the good things we enjoyed before.

Saka sabi nga natin, ‘di ba romantic weather ang ganyang medyo umuulan, iyon nga lang very sad ito sa mga newly breakup couples, du’n sa mga naghiwalay dahil pampababa ng energy mo ‘pag ganito na merong rain shower.

Hay naku, basta don’t let anyone and anything steal our Christmas away, basta kahit ano ang mangyari, Merry Pasko sa lahat, at Happy New Year is coming.

Hoping for the best, always.

ANDREA TORRES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with