Leading lady ng sikat na aktor na pinagseselosan ng dyowa, lilipat ng network

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 30, 2020 - 12:00am

Noon pa natsitsikang mawawala na raw sa kanilang series ang leading lady ng isang sikat na aktor.

Ang tsismis, pinagseselosan daw kasi si leading lady ng aktres na karelasyon ng sikat na aktor.

Pero ‘yun nga ba talaga ang dahilan kaya mawawala na si leading lady sa series na ‘yon?

May tsika rin kasing ililipat daw ng kanyang management company si leading lady sa ibang TV network at pagbibidahin daw sa isang new show.

Well, kung anuman ang totoo sa tsikang ito, basta mawawala raw talaga si leading lady sa series ni sikat na aktor.

Well... well... well.

Madaldal na showbiz personality, hinihintay umamin kung nagka-COVID

May nagtanong sa akin kung true ba na may CO­VID-19 daw ang isang kilalang showbiz personality.

‘Yun daw kasi ang topic sa isang showbiz dinner kamakailan.

Pero sa daldal daw kasi ng kilalang showbiz personality, hindi naniniwala ang nagtanong sa akin tungkol doon na mananahimik lang ito tungkol sa sinasabing karamdaman.

Sey naman ng isang nakakarinig sa tsikahan namin, “Alangan namang ipangalandakan niya na may COVID-19 siya, ha!”

Pero, wait pa rin natin. Si kilalang showbiz personality naman kasi ay madaldal talaga, kaya malay natin kung totoong may sakit nga siya ay ikukuwento rin niya ‘yon.

Knowing the kilalang showbiz personality, huh!

Joed, itinanggi ang malisya sa tinutulungang actor

Ang presscon kahapon ng baguhang si Ricky Gumera na isa sa mga introducing sa Anak ng Macho Dancer.

Ang dating aktor na si Joed Serrano ang producer ng nasabing pelikula na kasama niya kahapon.

Dahil very open na si Joed sa pagiging gay, may ibang mga nang-iintriga at pinagdududahan sila. Pero sinabi naman nitong walang ma­lisya ang pagtulong niya kay Ricky ngayon.

Inamin naman ni Joed na niligawan niya noon si Ricky (before the pandemic), pero binasted daw siya. “Noon pa ‘yon, wala pa itong Anak ng Macho Dancer. So ngayon talaga, wala talagang malisya. Sana kung puwede lang, pero may boyfriend kasi ako ngayon. Siguro kung wala si Pulis (boyfriend ngayon ni Joed), pero hindi nga puwede,” sey ni Joed.

Naloloka nga raw si Joed dahil may ibang bina-bash siya sa showbiz media dahil sa pagtulong niya sa mga artista niya sa Anak ng Macho Dancer.

“Ngayon pa nga lang na wala akong ginagawang kahit na ano, bina-bash na ako, ‘yun pa kayang pagnanasaan ko mga artista ko? So kahit may mga magduda pa, wala talaga!” madiing pahayag ni Joed.

Oo nga pala, Ateng Salve, impressive ang hitsura ni Ricky in person at artistahin talaga, huh!

NETWORK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with