^
Nova naka-lock in kahit senior
Nova

Nova naka-lock in kahit senior

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

Hindi mapigilang ma-starstruck ng Owe My Love lead actor na si Benjamin Alves sa veteran actress na si Ms. Nova Villa nang maka-eksena niya ito sa ginagawa nilang lock-in taping para sa upcoming rom-com series ng GMA Network. 

Kuwento ni Ben sa kanyang Facebook account, natulala raw ito ng slight habang ginagawa ang kanyang first scene with Nova.

“Grabe kasama ko legend,” bigla raw niyang nasabi. “I quickly realized that I had a lapel and turned to our audio-man who nodded and smiled in approval. Starstruck ako kay Ms. Nova Villa.”

Gaganap si Nova bilang si Mama Eps, ang lola ni Lovi Poe sa serye. Si Benjamin naman ay ipo-portray ang character ng doktor na si Migs Alcancia. 

Suwerte si tita Nova na kahit senior na siya ay pinayagan pa rin siyang mag-work.

Kabilang nga ang mga senior sa matinding naapektuhan ng pandemya dahil kabilang sila sa vulnerable sector sa coronavirus desease.

NOVA VILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with