Bong, hindi tinitigilan ng bashers

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

Hanggang ngayon, may mga tao pa rin na ang gusto lang nilang ilagay sa utak nila, iyon lang ang paniniwalaan nila.

Ayoko na sanang patulan pa dahil tapos na ang issue sa hukuman, ibinigay na ang desisyon, mas marami ang suporta ng mga naniwala, kaya naging Senador si Bong Revilla. Pero iyon mga bulag at negatibong tao na hanggang ngayon panay pa rin ang pagsasabi na meron dapat isoling pera si Bong, hayun, hindi tumitigil.

Pathetic losers, hindi matanggap iyon desisyon ng Ombudsman, ng korte, ng   judges na nagbigay ng desisyon na walang sala si Bong, na walang dapat ibalik dahil wala siyang kinuha.

Mas mataas pa tayo sa hukuman? Bakit pa tayo meron justice system? Mas marami kayong naniniwala na may sala siya, bakit siya nanalong senador? Dahil mas marami ang may tiwala pa rin sa kanya, mas marami pa rin nagmamahal sa kanya, at kayo na gusto siyang itumba, manatili kayong talunan sa pangarap n’yo, dahil you cannot put a good man down.

Ang nasa Itaas si God na ang nagbigay ng blessing niya, at kay God lang accountable si Bong Revilla. Dun lang niya puwedeng ibigay ang laman ng puso niya, si God lang ang nakakaalam ng totoo, at siya ang magbibigay hustisya.

Basta, do what is right, hayaan mo ang mga taong nagdududa sa ‘yo, baka inggit lang iyan. 

Love story sa internet, suwertihan

Fascinated ako sa mga social media romance na iyan? Kasi nga ‘di ba Salve si Analyn na manikurista sa Bambbi Fuentes Salon nakapag-asawa ng isang Italian-American at ngayon ay nasa New York na. Tinulungan iyon pamilya niya sa Visayas, at ilang beses na rin nakauwi ng Pilipinas.

Iyon dalawa pa sa staff ni Bambbi  Fuentes mga foreigner din ang BF na  sa Internet nga nila nakilala.

Kaya nagtataka rin ako ‘pag may naririnig ako na naloko dahil sa ligawan sa mga dating app. Iyon mga humihingi ng pera para sa ipadadala na package, o iyon nanghihingi ng pamasahe, tapos mawawala na iyon ka-chat pag nakuha na ang pera.

Baka tulad din ng maraming bagay na may genuine at fake, ganundin ang istorya nito na suwerte ‘pag totoo, malas ‘pag hindi. Pero cute siya ‘di bah?

Iyon mystery ng ligawan sa internet at naging beautiful ending tulad ni Analyn.

Buti na lang matanda na ako, hindi na adventurious, kundi , hah hah subukan ko rin iyan.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with