Luis âdi pa nagsasalita Jessy idinisplay ang engagement ring?!

Luis ‘di pa nagsasalita Jessy idinisplay ang engagement ring?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

Spotted sa Instagram post ni Jessy Mendiola ang suot niyang napakalaking diamond ring, dahilan para mag-speculate ang mga netizens kung engagement ring na ba ito.

Sa kanyang Instagram Story ay nagpapasalamat si Jessy sa kanyang mga sponsored product at makikita sa kanyang kamay ang suot na bonggang diamond ring na mukha naman talagang engagement ring.

People are wondering tuloy kung engaged na ba sila ni Luis Manzano lalo pa nga’t maugong talaga ang balita ngayon na malapit na silang ikasal.

Sa tingin nga namin ay obvious na ipinapakita talaga ni Jessy ang ring dahil kung hindi, hindi niya isasama sa photo ang kanyang kamay at mga produkto na lang sana ang kinunan niya.

Well, abangan na lang natin kung may announcement silang isasagawa one of these days.

Nadine, pikon na pikon sa bashers

Tila napikon si Nadine Lustre sa isang basher kaya sunod-sunod ang naging sagot niya sa komento nito.

 Sa isang Instagram post ng isa sa mga kaibigan nina James at Nadine ay makikita sa larawan si James having dinner with friends.

 Tila may pumuna na bakit hindi siya kasama sa dinner (deleted na ang message ng basher) kaya sinagot ito ni Nadine.

 “Uhm... I was actually invited,” ang sagot ni Nadine and added the hashtags #jokesonUlol at #2020namagbagokana.

Inulan ng positive and negative comments ang nasabing reply ni Nadine at sumasagot din ng komento ang aktres.

“Haters who use fake accounts don’t have balls. #sadlyf,” ang kuda ni Nadine.

“Also, If you shit on other people, you are NOT my fan. No exceptions. We don’t welcome hate in our house,” dagdag pa ng aktres.

Sumagot naman ang basher na “@nadine try to ask @james kung meron din ba siyang balls” at nilagyan ng hashtag na #desperate.

Hindi rin ito pinalampas ni Nadine at nag-react pa ulit. “Utot mo blue,” sagot ng aktres.

Pinuri-puri ng kanyang fans si Nadine sa pambabasag sa basher pero ang iba naman ay hindi nagustuhan ang pagpatol ng aktres.

“Break n kayo so what kung assume ng fans na wala ka dyan. if kayo naman together “ulit” eh sa wLa ka sa picture.. malamang di alam ng tao n invited ka,” komento ng isang netizen.

“Its USELESS. i dont even see the point anymore in answering.. Ok you were inviteed.. So? Keep them wondering till their brains explode,” isa pang comment.

 Reaksyon naman ng isa pang IG user, “yikes 2020 na pumapatol pa rin sa haters.”
Well, kung kami ang tatanungin, sa tingin din namin ay hindi na dapat ipangalandakan pa ni Nadine na invited siya sa dinner. Wala na sila ni James so, normal lang na hindi na sila nakikitang magkasama sa mga ganyang okasyon. No need to explain kung invited siya or not. Hindi na siya dapat napipikon pa sa mga nonsense comments.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with