Quarantine baby sa showbiz, nadagdagan na naman

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

Another pandemic baby is coming soon! Ang latest couple na expecting ng  una nilang baby ay ang dancer-actor-politician na si Jhong Hilario at non-showbiz partner na si Maia Azores. Ipinasilip ni Jhong sa kanyang Instagram ang baby bump ng partner. “Thank you, Lord!” caption ni Jhong habang silang dalawa ay nasa beach.

Katatapos mag-celebrate ng kanilang 9th anniversary sina Jhong at Maia last July.

Samantala,  nagkaroon na ng baby shower ang coming baby boy ng Kapuso actor na si Mark Herras at showbiz partner na si Nicole Donesa.

Sa tototo lang, hindi lang pandemic ang dulot ng COVID-19 kundi pati quarantine babies dahil sa tuluy-tuloy na quarantine sa iba’t ibang panig ng bansa!

Ina ‘di nagpakabog sa virus

Keber ng Kapuso artist na si Ina Feleo kung may pandemic pa ngayon.

Tuloy ang intimate wedding niya ngayong Decembe 1 na gaganapin sa Pinto Art Museum sa Antipolo City.

Italian ang boyfriend ni Ina, si Giaconic Gervasutti o James Gerva.

Isang al-fresco reception ang plan nila bilang pag-iingat sa COVID-19.

Tapos na rin si Ina ng mga eksena niya sa Kapuso series na Bilangin ang mga Bituin sa Langit kaya focus na sya sa wedding na hindi napigilan ng virus, huh!

JHONG HILARIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with