Matteo hindi affected sa isyu ng ‘baby’ nila ni Sarah

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

Sa isang interview ay inamin ni Matteo Guidicelli na nagkakaroon din sila ng conflicts ng wife niyang si Sarah Geronimo, pero para raw sa kanya, normal thing iyon sa married couples na tulad nila. Naging mag-sweetheart muna sina Matteo at Sarah for almost six years, bago sila nagpakasal last last February 20, 2020.

Pero alam daw niyang mas important ang admitting mistakes to resolve issues. “I think it’s very normal to have conflicts here and there, you wish not to have them, but I think it’s normal to have them, what’s important is you just say, ‘it’s my fault,” sabi rin ni Matteo. “We learn new things about each other day by day and I’m thankful na nakahanap ako ng asawang katulad ni Sarah, I’m very grateful.”

Kailan lamang ay nagsilang na ng first baby niya ang sister ni Matteo na si Giorgia, kaya natanong din siya ng baby plans nila ni Sarah.  Hindi raw siya affected kapag tinatanong tungkol sa pagkakaroon nila ng baby ni Sarah dahil “we are not rushing things.”

Ina handa na sa kasal

Sa Tuesday, December 1, ikakasal na si Kapuso actress Ina Feleo sa isang intimate wedding na gaganapin sa Pinto Art Museum sa Antipolo City, with her Italian boyfriend, si Giacomo Gervasutti (or James Gerva).  Iyon ang pinili nilang lugar dahil malapit sa Metro Manila at pwede silang magkaroon ng al-fresco reception dahil na rin sa pag-iingat sa Covid-19. “Sa Pinto Museum namin gagawin kasi ito yung favorite naming date place and we both love art. Sobrang ganda talaga for us ‘yung Pinto. Feeling ko, aside from it being a museum with art pieces, the place itself is art.  At the same time open-air, mas maganda, maluwag din ang space para sa social distancing,” sabi ni Ina.

Tamang-tama naman na free na sina Ina at Direk Laurice dahil natapos na nila ang lock-in taping ng kanilang GMA Afternoon Prime na Bilangin ang Bituin sa Langit at mapapanood na ang mga fresh episodes nila simula sa December 7, 4:15PM sa GMA-7.

Nora namigay ng ayuda

Sinamantala na rin ni Superstar Nora Aunor na tapos na nga ang lock-in taping nila ng Bilangin ang Bituin sa Langit at nanguna siya sa pamimigay ng relief goods sa mga affected ng malalim na baha sa Marikina City, kahapon, November 28. 

Tuwang-tuwa ang mga nabigyan ng relief goods at labis ang pasasalamat nila sa Superstar.

MATTEO GUIDICELLI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with