^

Pang Movies

Derek, may pinariringgan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Naka-set sa “Comments on his post have been limited” ang ang IG ni Derek Ramsay mula nang ma-bash siya nang lumabas ang balitang breakup nila ni Andrea Torres. Si Derek kasi ang sinisisi ng netizens sa paghihiwalay nila ng ex-GF, kahit hindi naman alam ng netizens ang rason ng break-up dahil hindi na nagsalita ang ex-couple.

Kaya, wala nang hindi kakilala o kaibigan si Derek na puwedeng mag-comment sa kanyang IG. Walang negative comment at pinapalakas pa ang loob niya lang ang mababasa rito.

Kaya naman, walang makapagtanong kay Derek kung sino ang tinutukoy niya sa hashtag niyang #sticksandstonescanbreakmybonesbutwordswill­neverhurtme,” na nagsalita ng masakit at masasama laban sa kanya?

 Ang nasabing hashtag ang ginamit ni Derek sa parang appreciation post niya sa kanyang parents. Sabi kasi ng aktor, “Thank you lord for my parents who are always there for me and love me unconditionally. Mum and Dad thank you for everything you have done for me and the family. Thank you for keeping me strong, thank you for believing in me and thank you for protecting me.”

Anyway, wala pang balita sa GMA-7 kung itutuloy pa rin ang project sana nina Derek at Andrea na Sanggang Dikit ngayong break na sila. Puwede naman gawin pa rin ang project, pero iba na ang leading lady, hindi na si Andrea na kasama sa Legal Wives with Dennis Trillo.

Anak ni Solenn, puro pang-sosyal ang kinakain

Marami ang gustong magpa-adopt kay Solenn Heussaff mula nang masubaybayan ng netizens ang pini-prepare na food ni Solenn para sa anak nila ni Nico Bolzico na si Tili. Lalo na nang i-post ni Solenn ang salmon potato croqueta on broccoli cream cheese puree.

May pinost pa si Solenn na cream cheese French toast with apple blueberry dripping bowl na ­weekend’s breakfast daw ni Tili. May ginawa pa siyang grilled chicken in greek yogurt topped with lemon garlic ricotta.

May nag-comment tuloy ng “Tili is eating better than most adults” at “baby pa lang gourmet eater na!” at “Your baby is eating better than me” at “ang shala ng food ni Tili” at “inggit ako kay baby ang shala ng fudams.”

Kaya, ang daming gustong magpa-adopt kay Solenn kabilang si Iza Calzado na she is up for adoption daw. “Can you be my mommy please?”

Samantala, kabilang si Solenn sa influencers from around the world na lumalaban para matigil ang online sexual exploitation of children. Nasa likod ng advocacy na ito ang International Justice Mission (IJM) at dapat palaganapin sa Pilipinas kung saan, marami ang mga batang biktima ng sexual exploitation.

Allan K may bagong bukas na Japanese restaurant

Nakakatuwa naman si Allan K dahil kung nagsara man ang Klownz at Zirkoh comedy bars niya, may bago naman siyang business. Binuksan niya ang Koban Japanese Restaurant sa Tomas Morato corner Scout Castor.

Habang hindi pa siya puwedeng bumalik sa Eat Bulaga dahil nga bawal muna ang seniors sa studio, ang pag-aasikaso muna sa kanyang Koban Japanese restaurant ang focus ni Allan K. May mga taga-showbiz nang nagpa-patronize sa bagong negosyo niya na in-assure nitong masarap ang food.

May pakiusap lang ang netizens kay Joey de Leon, sana raw, ‘wag na siyang magbiro na magsasara ang Koban gaya nang paulit-ulit niyang biro na magsasara ang Klownz at Zirkoh dahil nagkatotoo. Naalala nga namin, bago magka-pandemic, madalas biruin ni Joey si Allan na magsasara ang comedy bars nito na nangyari nga.

Mark, kuntento na sa buhay

Nabasa namin ang sinulat ni Lolit Solis na panghihinayang sa career ni Mark Herras at sa hindi pagiging go getter nito at tila kuntento na kung saan siya ngayon at masaya na sa mga project na ginagawa at ibinibigay sa kanya ng GMA-7.

Ang dami nga namang sinayang na pagkakataon ni Mark, pero gaya nga nang nasabi namin, masaya at kuntento na siya sa narating niya sa showbiz. Nadagdagan pang lalo ang contentment nito na dumating sa buhay niya si Nicole Donesa at magiging daddy na for the second time.

Anyway, naalala namin si Mark nang mapanood siya sa Descendants of the Sun. Kaya lang, namatay agad ang karakter nito, dalawang gabi lang yata siya lumabas at iilang eksena lang ‘yun. Kung hindi siguro nagka-pandemic, mas mahaba ang naging partisipasyon ni Mark sa DOTS bilang kakampi ng rebelde na ginagampanan ni Neil Ryan Sese.

vuukle comment

ANDREA TORRES

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with