^

Pang Movies

Derrick, speechless sa pinagawang home gym

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Natupad ang dream ni Kapuso hunk Derrick Monasterio na magkaroon ito ng sariling home gym.

Ang isang extra garage space sa kanilang bahay ang na-transform into a mo­dern gym with matching neon industrial interiors.

Kinuwento ni Derrick na tinuloy niya ang pagpagawa ng home gym noong nagkaroon ng mahabang lockdown dahIl sa COVID-19 pandemic.

Nagsara ang maraming establishments, kasama na ang mga gym. Kasama na rin sa inisip ni Derrick ang safety niya kaya mainam na ring may sariling equipment siya sa sariling gym sa bahay. Wala na raw siyang dahilan para tamarin na pag-workout

“Matagal ko na po talagang dream magkaroon ng home gym ever since nag-start ako magbuhat. Very timely din kasi may pandemic ngayon para ‘di na rin po ako lumabas-labas para safe sa family ko, sa mga taong makaka-work ko. Ang maganda rin dito sa home gym kasi wala kang excuse para hindi mag-workout kasi paglabas mo ng house makikita mo siya,” sey ni Derrick.

Post pa niya sa IG : “Never in my wildest dreams I dreamt of owning a home gym. Been working on this project for months and with the help and expertise of the top interior/event designing company in the Philippines, @mossdesignhouse, it happened. I’m speechless.”

Megan Fox opisyal na ang ipinile na divorce

Opisyal nang nag-file ang Hollywood sex siren na si Megan Fox ng divorce sa kanyang estranged husband na si Brian Austin Green.

Ten years din silang kasal bago sila tuluyang naghiwalay noong nakaraang May.

Nag-file ng divorce papers sina Fox at Green sa Los Angeles County Court. Kasama na rin ang papers for child custody and child support. Tatlo ang anak nila Megan at Austin.

Naging opisyal na kasi ang relasyon ni Megan sa American rapper na si Machine Gun Kelly noong dumalo sila sa red carpet ng American Music Awards.

Nagkakilala ang dalawa nang lumabas si Megan sa music video ng rapper na  Bloody Valentine. Si Brian naman ay na-link kina Courtney Stodden and Tina Louise noong maghiwalay sila ni Megan.

Noong 2015 unang nag-file ng divorce ni Megan pero binigyan niya ng second chance ang marriage nila ni Brian.

vuukle comment

DERRICK MONASTERIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with