Andrea masyado raw maganda para lokohin, Derek may kasama na nga bang iba?!
Andrea

Andrea masyado raw maganda para lokohin, Derek may kasama na nga bang iba?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

Galit pa rin ang fans ni Andrea Torres kay Derek Ramsay.

Masyado raw maganda si Andrea para lokohin.

Ha, niloko ba talaga?

Well, walang ebidensiya.

Nag-post kasi si Andrea kahapon ng photo niya pero walang caption.

Ito ay kasabay ng bulung-bulungan na diumano’y nakitang may ibang kasama si Derek.

 Diumano lang naman.

At ang may alam diumano nito, ang BFF niyang si John Estrada.

Anyway, gandang-ganda naman ng showbiz friends ni Andrea sa nasabing photo niya na first post niya after ng biglaang hiwalayan nila ni Derek.

Iba’t iba na ang sinasabing rason ng kanilang paghihiwalay.

Sylvia, nayakap na ang kanyang Angel nang magka-COVID

Nag-reunion sina Sylvia Sanchez at ang nag-alaga sa kanyang nurse nang magkaroon sila ng coronavirus ng husband niyang Art Atayde.

Dinalaw ng frontliner ang kanyang naging pas­yente sa bahay.

Post ng mahusay na actress na bibida sa pagbabalik ng MMK ngayong gabi - “After 7mos, nayakap at nagkita din tayo @diannerific ang saya saya kokanina ko lang nakita ng husto ang mukha mo dahil mula March 30-April16 nakamask ka habang inaalagaan mo ako at asawa ko. Habang niyayakap kita kanina ang sarap-sarap sa pakiramdam na mapasalamatan ka ng buong buo. Nakakabilib ang dedikasyon mo bilang Charge Nurse sa aming mga Covid Patients.

‘Maraming, maraming salamat Dianne sa pag alaga, pagmamahal at pagsasabi lagi na kaya mo yan Maam Sylvia, wag kang gigive up, laban po! Ilang beses kitang tinanong noon, mabubuhay pa ba ako Dianne? Makakauwi pa ba ako? Sagot mo sa akin, opo, magkikita pa kayo ng mga anak mo, hinihintay ka nila kaya palakas at pagaling ka hahaha kaiyak maalala.

“Isa ka sa naging anghel ko habang nasa hospital bed ako at nakikipaglaban kay Covid19.

“Maraming maraming salamat sayo bagong kaibigan, bagong kapamilya Dianne Engco.

“Love you.”

ANDREA TORRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with