Maine, mas priority ang mga babae
Maine

Maine, mas priority ang mga babae

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

Bongga din si Maine Mendoza.

Talagang all out siya para sa kapakanan ng mga babae na OFW. Gusto niya talagang ipaglaban ang karapatan ng mga ito at maging ligtas habang nasa ibang bayan at nagtatrabaho sila.

Dapat kasi talaga na alagaan ng ating embassy ang karapatan ng mga babae na nasa ibang bayan, lalo pa nga kung inaapi ang mga ito ng mga amo nila. Mabuti na lang at napili ito ni Maine na advocacy dahil malaking tulong ang ganito sa mga OFW.

Dapat may mga ganitong project ang mga artista natin, dahil kahit paano pag kasali sila nagkakaroon ng ingay ang isang bagay.

Good choice for Maine dahil mga tulad niyang babae ang kanyang ipinaglalaban. Mga babae na naghihirap kumita ng pera kahit malayo sa pamilya nila.

Thanksgiving, ‘di dapat kalimutan

Nagdaan ang Thanksgiving Day na parang wala lang dahil nga sa nagaganap na pandemic ngayon.

Pero alam n’yo ba na ang dami pa rin natin dapat ipagpasalamat kay God. The mere fact that we wake up every morning, that inspite of the pandemic we are ­living ok, kumakain ng three or more times a day and we are still standing tall.

Kasi nga ang buhay sinasabayan lang hindi dapat sumasalungat tayo sa agos. Lahat ng bagay may katapusan, so enjoy the things na nasa harap mo habang puwede, pag wala na, tanggapin natin na wala na.

Iyon kasing ilusyon na laging maganda ang lahat hindi practical, dapat iniisip din natin, hindi mo makikita ang maganda kung walang pangit, hindi mo alam ang masaya pag walang lungkot, at paano mo masasabing mapait kundi mo matikman ang matamis.

Life is about equality, dapat lahat naranasan mo, para kumpleto ka. Kahit pandemic pa, kahit mahirap pa, ang dami pa rin natin bagay to be thankful for.

Kaya Happy Thanksgiving pa rin tayo at patuloy na magdasal.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with