Mariel, may inamin sa pagiging bad boy ni Robin
Mariel

Mariel, may inamin sa pagiging bad boy ni Robin

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

Masaya at nagpapasalamat si Mariel Rodriguez dahil natutupad daw naman so far ng asawang si Robin Padilla ang mga ipinangako nito sa kanya noong bago pa silang mag-asawa. “I’m really so blessed na siya ang asawa ko kasi talagang hindi ako nangangamba, panatag ako, and I’m really grateful because he’s sticking to his word, he is sticking to his promises to me.

“I’m really grateful for that. That he is really trying his best na ‘yung mga ipinangako niya sa akin eh, ma-keep niya,” pagbabahagi ni Mariel sa kanyang recent YouTube vlog.

Well, ang alam namin isa sa ipinangako ni Binoe kay Mariel nang maging mag-asawa sila ay wala nang iba pang magiging babae ang aktor maliban sa kanya. As we all know ay allowed ang Muslims na magkaroon ng maraming asawa.

Noon pa ay naging vocal naman si Mariel sa pagsasabing ayaw niya na may kahati sa puso ni Binoe at nangako naman ang mister. And for sure, isa ito sa binabanggit ni Mariel na natutupad naman ng aktor.

Sinabi rin ni Mariel na bagama’t Bad Boy of the Philippines ang tawag kay Robin ay kabaligtaran daw ito sa totoong buhay. “Sobrang hindi po bad boy. He is one of the kindest, the most generous, the most generous that you will ever meet. He is selfless that way. Lahat, gusto niya. give nang give nang give. His love language is act of service, so he’s always serving us,” sey ni Mariel.

Kahit sa bahay daw ay pinagsisilbihan sila ni Robin at sobrang thankful siya na nagkaroon sila ng time ng kanyang mga anak na makasama ito araw-araw ngayong pandemic. “Having him around has made my kids so happy, that the whole family is always home. I’m taking this time na talagang i-savor kasi hindi ko alam kung kaylan ulit mangyayari ‘to,” sey pa ni Mariel.

Zangel ayaw tantanan ng fans

Kinikilig pa rin ang mga ZanGel fans sa tsismis na nagkakamabutihan sina Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban na kasalukuyang magkasama ngayon sa ABS-CBN series na Walang Hanggang Paalam.

Komento nila, bagay daw ang dalawa at sana raw ay magkatuluyan na talaga in rea life lalo pa nga’t napapabalitang break na si Z at ang surfer-model girlfriend na si Josie Prendergast at balitang may bagong boyfriend na ito.

Ang kaso naman, may tsismis ding may foreigner BF si Angge (tawag kay Angelica) although hindi pa naman ito kino-confirm ng aktres.

Samantala, the fact na may team ZanGel, this means na maraming sumusu­baybay ng Walang Hanggang Paalam na mas lalong nagiging interesting ang kwento.

Kasalukuyang napapanood ang Walang Hanggang Paalam sa A2Z channel sa digital at analog TV.

MARIEL RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with