Sunshine, sumagot

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

Sinagot ni Sunshine Cruz ang Instagram post ni Manay Lolit Solis na may kinalaman kina Shine at ex-husband na si Cesar Montano.

Bahagi ng post ni Manay, ‘Sana naman matapos, lalo na at 3 babae ang anak ni Cesar kay Shine na para bang hindi maganda tuwing may lumalabas pang mga issue tungkol sa magulang nila.

“Puwede naman silang hindi na nagbibigay ng statement o sumagot sa issue, basta tinanong, smile na lang para tapos na, huwag nang pag-usapan pa.”

Komento naman ni Sunshine, “Good Mor­ning Tita Lolit. I haven’t said a single word.

“My ex husband is none of my business. Annulled na po kami. I’d rather focus sa mga anak ko at trabaho.”

Kamakailan lang, naglutangan sa social media ang isang diumano’y anak na lalaki ni Cesar sa ina nitong dating beauty queen na si Sandra Seifert.

Tekla, may tell-all

Magkakaroon ng tell-all interview si Super Tekla sa The Boobay and Tekla Show bukas upang magbigay ng panig sa nakaraang away nila ng live in partner.

Haharap si Tekla sa The Meme Squad upang ibato sa kanya ang matitinding tanong kaugnay ng nakaraang sigalot.

Isang unstoppable, undeterred at uncensored Tekla ang mapapanood. Pero pagkatapos ng presscon on air, balik sa nakatatawang segments sina Boobay at Tekla sa Roleta ng Kadramahan at TBATS na ipa-prank nina Boobay, Tekla at Donita Nose ang beauty queen na si Ariella Arida!

SUNSHINE CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with