Hubad na katawan ni JLO, pinusuan ng milyun-milyon
JLO

Hubad na katawan ni JLO, pinusuan ng milyun-milyon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

More than 7 million likes at 117,000 comments na sa Instagram ang nude photo ni Jennifer Lopez na ang caption ay “Here’s the official cover art for #InTheMorning. Single drops Friday.”

At ang mga nagku-comment, mga sikat na international celebrities din at comment ng iisa, “If this doesn’t break the internet nothing will!!! WOW!!! Can’t wait for the single and the beauty drop.”

Sa cover pa lang ng new album ni J.Lo, panalo na at may nag-comment nga  na kahit hindi na niya pakinggan ang song, okay na sa kanya. Abangan at hintayin natin kung sino sa local cele­brity, lalo na singer, ang gagaya kay J. Lo.

Hindi kasama si Phoemela Barranda dahil buntis naman siya nang mag-pose ng hubo’t hubad.

Anne, proud na laging napapansin si Jasmine

Siblings goal sina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith dahil sa closeness at suporta na ibinibigay nila sa isa’t isa. Sa nakaraang video call ng magkapatid, pati netizens na nakinig, sobrang na-touch, lalo na sa message ni Anne kay Jasmine.

“As an Ate, I’m just so, so proud. Every time I watch her films and anything that she does, and I see how she succeeds, it makes me so proud. When you look at your little sister, and you remember everything about her, when you see them bloom and come into their own and figure out what they want to become, find their own direction and succeed in making it happen, I’m so proud of my little sestra,” sabi ni  Anne.

Sagot ni Jasmine, “to hear it from an Anne Curtis, it’s like, I know you’re my sister but I also know how hard you worked to get where you are and to achieve that status of a name and that level of prestige. Not everyone gets to hear that from a sister, let alone from an Anne Curtis.”

Totoo naman si Anne, magiging proud talaga siya dahil mahusay na artista si Jasmine at lahat ng gawing project, positive ang review. Mapa-pelikula man o TV show, lumulutang ang husay ni Jasmine.

Anyway, may kissing scene rin pala sina Jasmine at Rocco Nacino sa Descendants of the Sun at si Jasmine pa bilang si Moira ang nag-initiate ng kissing scene. May mga kinilig, pero alam nilang may boyfriend si Jasmine at si Rocco ay engaged na sa fiancee niyang si Melissa Gohing.

Gabby at Sanya, nakakulong na sa taping

Nagsimula na ang lock-in taping ng First Yaya, ang upcoming series na pagtatambalan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. Sa litrato na inilabas ng GMA-7, hindi na kasama si Baste na nasa original cast at kasama pa yata sa storycon noong si Marian Rivera pa ang leading lady ni Gabby.

Pinalitan si Baste dahil menor de edad siya at bawal sa edad niya ang mag-taping. Mas malaki at older kay Baste ang ipinalit sa kanya na si Clarence Delgado.

So, hindi lang si Sofia Pablo sa Kapuso stars ang naapektuhan sa safety protocols na ipinasusunod ng Inter -Agency Task Force (IATF).

Lyca iniisyuhan sa paglipat

May konting isyu pala sa paglipat ni Lyca  Gairanod sa Viva Artists Agency mula sa Star Magic dahil si Sarah Geronimo raw ang padrino. Sinabi mismo ni Lyca na kinulit siya ni Coach Sarah para mag-Viva na. Nilinaw nitong wala siyang sama ng loob sa ABS-CBN.

In fairness, wala pang namba-bash kay Sarah at wala pang nag-akusang siya ang dahilan sa pag-alis ni Lyca sa ABS-CBN at paglipat sa VAA. Kung ibang artist ‘yun, na-bash na tiyak ngayon.

Winelcome si Lyca ni Veronique Corpus sa VAA at sa Viva Records dahil siguradong gagawa siya ng album. May mga nag-congratulate kay Lyca, at marami ang natuwa na magkasama na sila ni Sarah sa VAA.

JENNIFER LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with