^

Pang Movies

2 baguhang aktor ng GMA, matindi ang naging depression sa pandemya

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dalawa sa produkto ng StarStruck season 7 na kasama sa bagong online show na The Cray Crew ng GMA YouLOL ang nakaranas ng anxiety at depression dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ay sina Allen Ansay at Abdul Raman na parehong breadwinner ng pamilya nila.

Si Allen na naging First Prince sa StarStruck Season 7 ang nagkaroon ng anxiety attack noong biglang nagkapandemya. Marami pa naman daw siyang gagawin na out of town shows, pero nakansela raw lahat. Nakadagdag pa raw yung magkakasunod na bagyo na tumama sa kanyang hometown sa Camarines Sur.

 Si Abdul  naman na naging finalist sa StarStruck ay sobrang na-depress dahil tatlong shows na dapat ang gagawin niya ang ‘di natuloy. Nawalan pa raw siya ng internet at cell phone signal ng ilang buwan. Nitong bagyong Ulysses ay pinasok ng baha ang kanilang bahay sa Marikina na hanggang tuhod ang taas.

“Hindi po biro ang mga nangyari sa ating lahat sa taong ito. Na-depress ako noong biglang nag-lockdown. Hindi ko alam kung may trabaho pa ba ako kasi lahat ng means of communications nawala sa akin. Tapos noong huling bagyo inabot kami ng baha. Pero sa kabila po ng mga yan, thankful po ako na walang sakit ang pamilya ko at nakakatanggap kami ng ayuda mula sa mga kaibigan.”

May sasalihan na bagong teleserye sina Allen at Abdul na malaking tulong sa kanila financially.

Mane ayaw ilantad ang away nila ng asawang si Aljon

Pinusuan ng fans ni Manilyn Reynes ang mga pinost nito sa Instagram na throwback photos nila ng mister na si Aljon Jimenez.

Nakatuwaan lang ni Mane na balikan ang mga vintage photos nila ni Aljon noong panahong magka­sintahan pa lang sila sa That’s Entertainment hanggang sa kinasal sila at meron nang tatlong anak na lalake.

Marami ang natuwa sa samahan nila Mane at Aljon dahil wala raw silang na­ging issue na nag-aaway sila o may mga hindi napagkakasunduan.

Sey naman ni Mane na normal lang daw sa mag-asawa ang mag-away pero hindi nila naging ugali na isapubliko ang nagiging tampuhan nila at inaayos daw nila ito agad.

Komedyante tuloy ang taon ng pagpapalusog

Patuloy ang “Year of Health” ng Australian comedienne na si Rebel Wilson.

Patuloy ang kanyang pagbawas ng timbang at sa latest posts niya sa social media ay ini-enjoy niya ang magsuot ng bathing suits at mga tight fitting athlete wear.

Kelan lang ay nag-healthy vacation siya sa Viva Mayr resorts sa Swiss Alps. Kasama sa kanyang daily workout ay ang swimming at hiking.

Kinuwento ng Pitch Perfect star sa talkshow ni Drew Barrymore na nabawasan pa siya ng 40 pounds sa naging healthy vacation niya. Malaking tulong daw ang holistic approach sa pagpapapayat niya.

“I was going all around the world, jet-setting everywhere and eating a ton of sugar. I’ve tried, like so many women out there, I’ve tried fads and diets and things before and I’m like, I need to do a really holistic approach to this, this time. So far, I want to lose a few more,” sabi nito.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with