^

Pang Movies

Bokalista ng rock band na Slapshock, natagpuang patay!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bokalista ng rock band na Slapshock, natagpuang patay!

Nagluluksa ang mga rakista kahapon matapos matagpuang walang buhay ang rock star na bokalista ng grupong Slapshock.

Yup, nakuha na wala nang malay si Jamir Garcia sa kanyang bahay sa Project 8, Quezon City, mga 9:30 a.m. na kumalat agad-agad sa social media.

Ang kaibigan niyang negosyante na si Dodie Arcaya ang nagkumpirma ng mga pangyayari.

Wala pang details ang funeral arrangement niya.

Two decades pala siyang naging bokalista ng Slapshock na sumikat din noon.

Habang sinusulat namin ito ay wala pa ring ibang detalye ang nangyari sa bokalista.

Bukod kay Jamir, kahapon din binawian ng buhay ang former broadsheet editor / writer and Chief Editor, Presidential News Desk sa term ni former President Noynoy Aquino, ang kaibigan naming si Iskho Lopez.

Matagal nang nasa Anawim Lay Missions Foundation Incorporated ang kaibigan naming si Iskho na marami ring sinulat na pelikula tulad ng Pagputi ng Uwak... Pag-itim ng Tagak, Reputasyon at marami pang iba.

Paalam, dearest Iskho. Maligayang paglalakbay.

RIP, Jamir.

Kathryn nagpasalamat sa mga ni-rescue na aso

Wow fur mom pala ng 11 na aso si Kathryn Bernardo na natuwa dahil inaalagaan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang mga naiwang aso sa  Bulakan, kung saan itatayo ang Manila International Airport project. “I’m proud of the San Miguel family for taking care of the dogs that were stranded in Bulacan,” banggit ng Kapamilya actress na maliban sa pagiging endorser ng Nutrichunks dog food at Magnolia Ice Cream ay endorser din ng San Mig Coffee Crema White. “I’m happy that these dogs were rescued and, hopefully, will be adopted by loving homes,” dagdag pa niya.

Matapos ngang malaman ang kalagayan ng 70 aso na naiwan sa Barangay Taliptip ay nagpadala agad ang SMC ng Nutrichunks dog food para mapakain sila. Sa tulong naman ng Animal Kingdom Foundation (AKF), may 53 nang aso ang na-rescue simula noong Nobyembre 16 at nailipat sa AKF shelter sa  Capas, Tarlac.

May natitira pa umanong 20 aso na kailangang i-rescue sa mga susunod na araw.

Ang mga asong dinala sa AKF sa Tarlac ay gagamutin at kakapunin bago sila ihanap ng mga mag-aampon.

Nauna nang pinasalamatan ni Kathryn ang SMC, na pinamumunuan ni president at chief operating officer Ramon S. Ang sa paggawa ng paraan para magkaroon ng hanapbuhay at oportunidad sa pagnenegosyo sa Central Luzon sa pamamagitan ng Manila International Airport at Bulacan Airport City Freeport Zone.

Ayon kay Kathryn ay mahalaga ang hanapbuhay para sa maraming Pilipino dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

vuukle comment

JAMIR GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with