^

Pang Movies

Dating Tanduay girl, magko-concert na rin

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Hindi pa man naipapalabas ang first virtual concert ng ex-PBB Teen Edition Big Winner-turned singer-songwriter, actress, celebrity endorser at cosplayer na si Myrtle Sarrosa na mapapanood pa lamang sa darating na Sabado, November 28 at 8 p.m., may follow-up concert project na naman ang celebrity lawyer na si Atty. Ferdie Topacio dahil isang pre-Valentine virtual concert naman ang kanyang isusunod na tatampukan ng singer-actress at dating Tanduay Girl na si Kara Madrid (Mitzki).  Ang nasabing concert ay gaganapin on February 6 (Saturday) at 8 p.m. na pinamagatang Kara Madrid: In Love na nakatakda ring idirek ni Doc Rommel Ramilo, same director ng virtual concert ni Myrtle.

Si Kara ay nagkaroon ng self-titled debut album na Kara under PolyEast Records at may single siya sa Viva Records na may titulong Tayo.

Nakapagtanghal na rin si Kara sa iba’t ibang lugar with other artists at isa ang Music Museum sa mga lugar kung saan siya nagkaroon ng back-to-back concert noon with Michael Pangilinan.

Lyca, gustong makatrabaho si Sarah

Sixteen years old na ang kauna-unahang grand winner ng The Voice Kids Philippines na si Lyca Gairanod. She turned 16 noong nakaraang Sabado, November 21.

Si Lyca ang pinakabagong contract talent ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) at ito’y naging possible sa tulong ni Coach Sarah (Geronimo) na siyang prized star ng Viva.

Ayon kay Lyca, tuloy umano ang kanilang komunikasyon ng kanyang Ate Sarah hanggang ngayon at ito umano ang tumulong sa kanya sa pag-sign-up with Viva. “Gusto ko po talagang makatrabaho si Ate Sarah sa Viva pang talents ng Viva,” pahayag ni Lyca na isa nang ganap na teenager.

May ilang taon ding nahinto ang showbiz career ni Lyca dahil mas pinagtuunan umano niya ang kanyang pag-aaral. She was in Grade 3 nang siya’y sumali sa The Voice Kids Philippines in 2014 na sinundan ng Your Face Sounds Familiar in 2017. Nasa Grade 8 na ngayon si Lyca at gusto raw niya talagang matapos ang kanyang pag-aaral para meron siyang fallback pagdating ng araw.

Ang Canada-based singer at recording star na si Darren Espanto ang kapanabayan ni Lyca at second placer sa Voice Kids pero malayo na ang narating nito pagdating sa kanyang career. Pero sa halip na ma-insecure ay sinabi ni Lyca na choice umano niya na i-prioritize ang kanyang pag-aaral.

Ngayong nasa bakuran na ng Viva si Lyca, gusto umano niyang pagsabayin ang kanyang singing and acting career and at the same time, ang kanyang pag-aaral.

Bukod sa kanyang Ate Sarah, gusto umano niyang makipag-collaborate sa ibang talents ng Viva.

vuukle comment

MYRTLE SARROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with