Cong. Lito, maraming kaibigang showbiz writers
Lito

Cong. Lito, maraming kaibigang showbiz writers

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

Isa sa mga staff ng pulitiko na love na love ko ay si Eric Cham, Salve. At suwerte naman na si Cong. Lito Atienza na deputy speaker na ngayon ang bossing niya.

Remember na noon pa man, nang tumakbong Manila mayor si Cong. Lito Atienza, malapit na siya sa grupo natin ng showbiz writers. Kaya naman kahit nang tumakbo siya sa Partylist na Buhay, hiningi niya ang tulong natin.

Isang hindi natin makakalimutan sa father ni Kim Atienza ay ‘yung kahit na family affair nila, invited niya ang special group of friends from the press ng showbiz. At malaking tulong ang pagiging very competent ni Eric Cham dito, na very friendly at barkada ng writers.

‘Yung competent ang staff ng isang politician ay napakalaking bagay kaya naman isa sa ace ni Cong. Lito si Eric. 

 Christmas tree, simbolo ng pag-asa

Nakatanggap ako ng cute little Christmas tree kay Rubby Coyuito.

Happy ako dahil sign na talagang ‘yung spirit ng Christmas is still in our hearts.

Talagang may melancholic effect ang hangin ng December, idagdag pa ang mga hinaharap nating problema, kaya ray of hope ang mga ganitong regalo na ibinibigay. Parang telling you everything will be alright, everything is ok, no worries, no problem.

Thank you, Rubby Coyuito, for that wonderful little tree of hope and love, I really appreciate it.

Paligiran natin ang lahat ng Flawless clinics ng mga cute little Christmas tree, para brighter and breezy ang paligid. 

LITO ATIENZA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with