Marian, kakaiba ang ginawa sa entablado

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

Out of the box ang ipinasilip ni Marian Rivera na hitsura niya sa una nitong stage play para sa Tanghalang Ateneo.

Ito ay para sa Oedipus Rex na masasaksihan sa February 2021 ayon sa Instagram post ni Yan.

Tapos na itong gawin ni Yan. Pero hindi pa siya napagkuwento ng detalye kung paano niya ito ginawa base sa huling pakikipag-uusap niya sa press.

Matalinhaga rin ang caption niya na, “Ama, kapatid, at anak; katipan kabiyak at ina; pinaglangkap sa isang kahindik-hindik na kasalan!

“Lahat ng kadiri-diri sa tao, pinagsamut-samot sa isang kasalanan!”

Sa totoo lang, dahil sa pandemic dulot ng COVID-19, isang Kapuso series at dalawang movies ang tinanggihan ni Marian para sa kaligtasan ng dalawang anak at nilang mag-asawa, huh!

Mabuti na lang at sa kanyang endorsements ay nagagamit niya sa kanyang social media accounts!

MMFF digital edition, inaabangan kung magkano ang kikitain

Binago ng pandemya pati ang Metro Manila Film Festival 2020. Sampung movies sa halip na walo ang
official entries na mapapanood online via Upstream.ph.

Bago pa man ang announcement ng online streaming ng MMFF 2020, naglabas na ng apat na official entries via screenplay at isa sa pumasa ang Regal entry na Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan at si Joshua Garcia ang habang si Chito Roño ang director.

Na-extend pa ang deadlines para naman sa last four entries via finished products.

Nabura ang lahat ng mga  unang patakaran ng MMFF Committee kaya online streaming ang naging final result.

Paano kaya ang hatian pagdating sa kita ng entries? Siyempre wala nang mall shows to promote the movies at limitado ang TV shows kung saan puwedeng mag-promote ang mga artista, huh!

Maglabas pa kaya ng listahan ng top grossing entries?                   

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with