Kahit Christian... Jodi, nag-invest sa BL movie!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

Movie producer na rin si Jodi Sta. Maria dahil co-producer siya ng The Boy Foretold by the Stars, isa sa entry sa 2020 Metro Manila Film Festival. Ang kuwento ng co-producer din ng movie na si director Derick Cabrido, ipinakita nila kay Jodi ang script, nagustuhan at pumayag na iko-produce ang first Boys’ Love (BL) movie at sa MMFF and directed by Dolly Dulu.

Pinost ni Jodi sa kanyang Instagram ang trailer ng movie na tinitiyak ng netizens na magi­ging blockbuster dahil uso ngayon ang BL series. Marami ang nag-congratulate kay Jodi sa bagong pinasok na trabaho at negosyo at nangako ang
followers nito na susuportahan ang pelikula para raw ganahan si Jodi na magprodyus uli. Kasama siya sa Clever Minds Inc., Productions nina Derick at Omar Sortijas.

Mababasa pala ang pangalan ni Raymart Santiago na isa sa nag-like ng post ni Jodi ng official trailer ng The Boy Foretold by the Stars.

Kiray, dedma sa hanash ni Mystica

Si Kiray ang binanggit ni Mystica na ayaw niyang ka-roommate sa lock-in taping ng Owe My Love dahil hindi raw siya sanay na may kasama sa kuwarto at importante sa kanya ang privacy.

Wala pang reaction si Kiray na special mention siya ni Mystica sa pagra-rant nito sa Facebook, nauna na ang followers ni Kiray na mag-react. Sabi ng isang follower ni Kiray, dapat tinakpan ni Kiray ng unan si Mystica habang natutulog. Gusto pa yatang gawing killer si Kiray. Hahaha!

Sabi naman ng isa, happy na tiyak si Kiray na wala na si butiking Mystica na kasama niya sa kuwarto. Ang kapal daw ni Mystica na tinawag na spliterang tanders, akala raw nito relevant pa siya.

Naku, kapag nabasa ni Mystica ang pamba-bash sa kanya, siguradong sasagot ito. Mabuti na lang at wala nang nag-react sa cast ng series na produced ng GMA Public Affairs at malapit na ang airing.

Kaya lang, parang si Mystica lang ang nagka-problema sa taping ng Owe My Love dahil sa mga BTS na nakita namin online, masaya ang cast na nagti-taping at sama-sama sila off-cam, but of course, pinapraktis ang social
distancing.

Kris, umindak kasama sina Bimby at Jose Mari

May bagong TVC si Kris Aquino sa ini-endorse niyang e-commerce platform, muli siyang sumayaw at kasama niya si Bimby at si Jose Mari Chan for Christmas.

Isa sa nag-comment si Anne Curtis na pinuri ang pagsayaw ni Kris, sinagot siya ni Kris na pinanood niya ang endorsement dance ni Anne 100X “in order to somehow get the hang of it.”

Anyway, contrary sa comment na hindi na malakas na endorser si Kris, may followers ito sa ibang bansa na nag-request kung puwedeng makapag-order din sila para sa pamilya nila sa Pilipinas. 

Zoren, mas excited pa kesa kay Cassy

Ang cute ni Zoren Legaspi, na mas excited pa yata sa anak na si Cassy Legaspi sa first teleserye nitong First Yaya. Nag-post kasi si Zoren ng photo nina Cassy at Sanya Lopez at pinahulaan kung anong primetime show magkasama ang anak at si Sanya.

Hindi pa yata nagsisimula ang lock-in taping ng First Yaya dahil wala pang balita tungkol dito.

Si Zoren, katatapos lang ng lock-in taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit na mapapanood na uli simula December 7 sa GMA 7. Si Carmina Villarroel, nasa lock-in taping ng Babawiin Ko Lahat, si Mavy na lang ang hindi naka-experience ng lock-in taping.

Kaya, sabi nito, gusto na rin niyang gumawa ng teleserye para ma-experience mag-taping, lock-in man o hindi ang setup.

JODI STA. MARIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with