^

Camille nai-stress sa pinatatayong dream house

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, naglakas loob ang mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao na ipagawa ang kanilang dream house.

Nai-share ni Camille via Instagram ang ongoing construction ng kanilang bahay. Na-delay nga ang paggawa dahil sa ilang buwang lockdown at sa magkakasunod na bagyo. Pero ngayon at maganda na ang panahon, in full swing ang construction at sana’y matatapos ito sa pagpasok ng 2021. “Dreaming together and allowing God to make things happen. @vjyambao1,” caption ni Camille sa IG post.

Ngayon lang daw naranasan ni Camille ang ma-stress dahil sa pagpapagawa ng bahay. Sa first marriage kasi ni Camille sa yumaong mister na si Anthony Linsangan, gawa na ang bahay nila bago pa sila ikinasal.

Kaya minsan daw ay nagugulat sina Camille at VJ sa laki na nang nagagastos nila sa pinapagawang bahay. Pero kinakaya naman daw ng mag-asawa ang lahat dahil para sa kanilang mga anak ang pinapatayo nilang bahay.

JM, nakilala ang sarili sa Air Force

Kaya pala tahimik ang aktor na si JM De Guzman ay dahil naging abala ito sa kanyang training bilang military reservist sa ilalim ng Philippine Air Force Reserve.

Walong buwan na dumaan sa military training ang aktor.

Noong nakaraang November 22, nag-share ang 32-year-old actor ng ilang photos sa social media ng kanyang basic citizens military training kung saan tumanggap siya ng certificate.

Post ni JM sa Instagram: “Sgt. Juan Miguel de Guzman PAFR (Philippine Air Force Reserve). Finally, after eight months, I finished my Philippine Air Force Special Basic Citizen Military Training CL-2020 (lectures, drills, and
rigorous simulations and training) of the Air Force Reserve Command conducted by 1st Air Reserve Center.”

“I learned a lot about myself, character, and gained a lot of wisdom in this training. As a reservist, I am ready to serve my country, help those in need of help, or in the dark (as cliché as it may sound) because I needed help before and was also in the dark too -- I know how it feels like.

“I am blessed and graced to stand up again and make things right. Now is the time for me to give back. It will be easier for me to do this with the
guidance and support of our astig regular soldiers. “At siyempre, ang sinum-paang tumulong protektahan ang Inang Bayan.”

Kabilang na si JM sa mga local celebrities na military reservists tulad nina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Ronnie Liang, Matteo Guidicelli at Winwyn Marquez.

Hollywood couple na sina Goldie at Kurt, binunyag ang sikreto ng matagal na relasyon

Ni-reveal ng Hollywood couple na sina Goldie Hawn and Kurt Russell ang secret ng kanilang 37-year relationship. Magkasama ang dalawa sa Netflix holiday film na Christmas Chronicles 2 kung saan gumaganap sila bilang si Santa Claus and Mrs. Claus.

Sey ni Goldie na enjoy siyang parating kasama si Kurt sa bahay man o sa trabaho. “I love being around him. I know people always want the answer to that. The answer lies within you… We’re alchemists, you have to be alchemists, you have to be able to turn all kinds of metal into gold, and that’s what we have to do… Sometimes, it takes a little finagling. Sometimes things don’t go your way… But the point is you have to go deeper. You’ve got to find out what’s going to get in the way of a love story. It’s just being conscious, knowing what you want… Friendship is everything, support, friendship, being there for someone, compassion — empathy is huge.” Simple lang naman ang sagot ni Kurt: “Go with that!”

CAMILLE PRATS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with