Relasyon ni Ruffa kay John Lloyd, pinag-usapan uli
Ruffa

Relasyon ni Ruffa kay John Lloyd, pinag-usapan uli

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 25, 2020 - 12:00am

Kung kahapon dito sa Ystar ay binanggit namin how John Lloyd Cruz was disco­vered for showbiz, ikukuwento naman namin kung paano kinuhang artista ni Mother Lily Monteverde si Ruffa Gutierrez.

Galing sa US noon si Ruffa, where she, her parents, Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, plus her siblings lived for a while, when a friend ng kanyang mom brought her kay Mother Lily.

She was only 13 then. Quite small for her age and didn’t look na magiging matangkad.

Kaya, ang naging reaction daw ni Mother Lily, “bakit parang hindi ‘yan ang anak ni Eddie?”

Well, it turned out that, at 13, hindi pa noon dinadatnan (o menstruation) si Ruffa.

So, sabi ni Mother Lily, “bumalik na lang kayo.”

It was Mother Lily’s turn na mamangha, when just after a few months, bumalik sina Ruffa, na halos kasing-tangkad na niya ito.

Now in her 40s, isa sa puwedeng ituring na pinakamatangkad na Filipina si Ruffa.

Isa pa, sa maraming hindi pa rin siguro nakakaa­lam tungkol kina John Lloyd at Ruffa ay ang pagkakaroon nila ng relasyon.

This was when they did I Love Betty La Fea.

Zaijian, sariling sikap sa pagbabading

Wala raw ginaya si Zaijian Jaranilla sa kahit sinumang kaibigan niyang gay, para sa kanyang role bilang bakla sa kanyang bagong starrer, Boyette.

But he seeks advice from them kung hirap siya sa pinagagawa sa kanyang performance ng kanyang direktor.

So far, so good ang assessment ni Zaijian sa kanyang performance bilang bakla rito

Mapapanood itong Boyette on November 27 sa KTX.PH, iWantTFC, Cignal-pay-per-view for only P150.

“Pero tiyak ko, maaaliw kayong panoorin itong si Boyette,” susog pa ni Zaijian.

Sarah at Matteo, nagpaplano ng maraming anak

Now that he is married, Matteo Guidicelli considers his wife, Sarah Geronimo, as his priority, and vice versa, of course, susog naman ni Sarah.

Right now, wala pa muna sa plano nila ang magkaanak. And when they do start na magkapamilya na, gugustuhin nilang magkaroon ng more than four children, as the more daw the merrier.

Early this year nang magpakasal sina Sarah at Matteo.

Derek at Andrea, matindi ang away

It’s unlikely na magkabalikan this year, kung may balak man, sina Andrea Torres at Derek Ramsay.

Mukhang malalim at matindi ang cause ng kanilang away.

As of now, both are okay na huwag na nilang ituloy ang series na Sanggang Dikit na kanilang pagtatambalan sana.

May kasalukuyang ginagawang series si Andrea, Legal Wives, with Alice Dixson, Bianca Umali at Dennis Trillo.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with