Zia, certified popster na
Zia

Zia, certified popster na

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - November 25, 2020 - 12:00am

Kitang-kita at damang-dama ang kilig sa anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera nang mapanood niya ang birthday ­greetings sa video ng hinahangaan niyang media personalities.

Si Marian ang naging punong-abala upang isagawa ito at lapitan ang personalidad upang batiin ang panganay sa 5th birthday niya.

Sa video na pinost ni Dong sa kanyang Instagram, saad niya, “The progression of her kilig when we made her watch the birthday greetings of her most admired media personalities.

“Thanks to Mama for organizing and reaching out to them. #SarahG  ­#RenzNianaAndNatalia #KayceeAndRachel.”

Si Sarah Geronimo ang hashtag na #SarahG. Palibhasa, mahilig raw kumanta si Zia ayon kay Yan kaya naman nakagawa siya ng paraan upang batiin ni Sarah ang anak, huh!

Tugon naman ni Yan sa post ni Dong, “Awww. Anything for ate Z, gagawin lahat ni Mama.”

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with