Bea, hindi pa makakaalis sa ABS-CBN

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 25, 2020 - 12:00am

Usap-usapan pa rin kahapon ang pag-alis diumano ng aktres na si Bea Alonzo sa ma­nagement ng Star Magic.

May nagsasabi na matagal nang tapos ang kanyang management contract at hindi na nga siya nag-renew. Pero may nagsasabi namang may contract pa ito kaya nananatili siya sa ABS-CBN.

Pero ang totoo raw ay mayroon pa rin siyang TV contract kahit na sarado ang istasyon at may movie contract pa rin naman siya sa film arm nitong Star Cinema.

Sabihin mang off the air nga ang ABS-CBN, ang content naman nila ay nailalabas sa internet sa pamamagitan ng kanilang internet platforms at sa cable. Idagdag pa riyan na naka-blocktime sila ngayon sa A2Z channel.

Ang mga kumakalat na kuwento ay puro ispekulasyon, kasi wala ngang gustong magkumpirma, pero maugong na si Bea ay imina-manage na ngayon ng veteran talent manager na si Shirley Kuan. Matagal na rin namang may business deal sina Bea at Shirley dahil sa commercial endorsements na kanyang ginagawa.

Aywan kung bakit ginagawang issue ang pag-alis ni Bea sa Star Magic, ganoong hindi naman siya basta umalis. Natapos na ang kanyang kontrata. Marami na rin namang ibang mga artistang umalis sa Star Magic at lumipat sa iba, at sinasabing ang isang factor diyan ay dahil nawala na rin naman sa kumpanya ang nagtatag noong si director Johnny Manahan na sinasabing siyang utak ng ma­nagement arm ng network, ganoon din naman si Mariole Alberto na sinasabing hanggang sa katapusan na lang ng Disyembre at papalitan na ni Direk Lauren Dyogi ang pamamahala sa Star Magic.

Mukhang may ilang stars na nagduda sa kapasidad ng Star Magic dahil wala na nga ang mga original na namumuno noon, sarado ang ABS-CBN na siyang outlet nila, at hindi rin gaanong aktibo ang film arm nilang Star Cinema.

Talagang ang punto niyan kaya nag­kaganyan-gan­yan ay dahil nawala nga ang ABS-CBN.

Glaiza, nag-ayuda

Habang pabalik daw ang aktres na si Glaiza de Castro sa kanyang location shoot, nagdaan siya sa ilang bayang sinalanta ng bagyo at nagbigay ng relief goods sa mga biktima. Bago iyan sa aming pandinig dahil tila ngayon lang kami nakarinig ng ganyang activity ni Glaiza. Ipagpaumahin ninyo kung nagawa na niya iyan dati nang hindi namin alam. Siguro nga tumulong din siya sa pamamagitan ng kanyang home network.

Pero sa pagkakataong ito ay si Glaiza mismo ang kumilos, at dahil wala namang sinasabing nanghingi siya ng tulong sa iba, ang ibig sabihin lahat ng kanyang itinulong ay nagmula sa sarili niyang bulsa.

In fact, may nagpadala pa sa amin ng pictures na nagpapakitang si Glaiza mismo ang nagre-repack ng relief goods na kanilang ipamimigay sa mga biktima ng bagyo.

Aktor sa bading serye gustong tikman ang leading man, direktor pumalag

Nagulat daw si direk, nang lapitan siya ng isa sa kanyang male star at mag-request sa kanya na lagyan ng torrid kissing scene ang isang eksena niya kasama ang kanyang leading man sa kanilang bading series. Gay naman talaga sa tunay na buhay ang male star, pero nagtaka rin si direk dahil mukhang totoo ngang na-in love siya sa kanyang leading man.

Pero sinabi raw ni direk, “bawal ang nagsasamantala sa kapwa artista.” Hindi siya pumayag sa requested na kissing scene ni bading, kahit na nahalata niyang sumama ang loob noon sa kanya.

“At bakit ako papayag na gumawa ng eksenang ganoon? Pagsasamantala iyon sa kanyang kapwa artista. Hindi ko mato-tolerate iyon. At lalong hindi ko mato-tolerate na maunahan pa niya ako sa gusto ko,” sabi ni direk.

May maitim na balak din pala si direk sa kanyang totoong male star.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with