^

Pang Movies

Rey, nagbalik sa unang tawag ng tanghalan quarter finals

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbabalik na bilang punong hurado ang batikang singer-songwriter na si Rey Valera sa It’s Showtime para husgahan ang 20 singers na pambato ng iba’t ibang barangay sa unang quarter finals ng Tawag ng Tanghalan.

Nagsimula na nga ang isang buwang bakbakan noong Lunes (Nobyembre 23) kung saan unang tumuntong sa entablado para mag-alay ng mga kanta para sa kanilang mga mahal sa buhay sina Rommel Arellano mula Padre Garcia, Batangas, Shan Dela Vega mula Calamba, Laguna, Marlyn Salas mula Angat, Bulacan, Mara Tumale ng Malolos, Bulacan, at Mich Primavera ng Angono, Rizal.

Kada linggo, limang quarter finalists ang magpapagalingan sa kantahan para hindi matanggal sa kumpe­tisyon. May matatanggal sa kanilang dalawa tuwing Martes, Huwebes, at Sabado, habang ang dalawa naman sa kanila na may pinakamataas na grado ang aabante sa semifinals.

Pati mga manonood ay may pagkakataon ding magwagi ng papremyo dahil inaanyayahan ng programa na mag-tweet sa Twitter o mag-comment sila sa Facebook gamit ang hashtag na #TNTQuarterFinals kasama ang finalist na sa tingin nila ay makakuha ng pinakamataas na score base sa performances ng araw.

Isang maswerteng viewer naman na tama ang sagot ay mananalo ng P5,000.

Abangan naman sa mga susunod na linggo ang matinding performances nina Ayegee Paredes, Almira Lat, Eivan Enriquez, Donna Mae Ricafrente, Evelyn Martinez, Erwin Diaz, JM Yusero, Luis Gragera, Marigelle Aguda, Mark Anthony Castro, Opalhene Paghubasan, Rachell Laylo, Venus Pelobello, Isaac Zamudio, at Whincel Portugal.

Napapanood ang It’s Showtime tuwing tanghali sa A2Z channel sa digital at analog TV. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

vuukle comment

TAWAG NG TANGHALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with