^

Pang Movies

Claudine nagpa-opera ng kamay

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Claudine nagpa-opera ng kamay
Claudine

Inoperahan ang isang kamay ni Claudine Barretto kahapon.

Meron siyang mga video papasok ng operating room pero walang masyadong banggit kung bakit siya ooperahan. Basta dating injury na raw ito noong nakaburol ang daddy Mike Barretto nila.

Ayon kay Claudine natatakot siya.

Maaalalang nagkaroon dati sila ‘rambulan’ sa wake ng ama.

Anyway, lately lang ay pinag-usapan si Claudine dahil sa issue ng demanda niyang economic abuse sa dating asawang si Raymart Santiago.

Sinabi nga kasi ng legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdie Topacio na tuloy ang nasabing kaso dahil sa hindi nga pagbibigay ng sustento ng aktor sa dalawa nilang anak nila na sina Sabina at Santino na parehong sa isang international school nag-aaral.

Though minsan naman daw ay nagbibigay ito pero hindi ito ‘yung nauna nilang pinag-usapan na P100,000.

Ang bigay lang daw nito minsan ay P14,000 na madalas pang wala.

Last November 9 ang last hearing at hindi lang daw nakadalo si Atty. Topacio dahil birthday niya at nasabay sa presscon ni Myrtle Sarrosa para sa virtual concert nito sa darating na November 28 na ang kumpanyang Borracho Film Production ni Atty. Topacio ang producer. 

Sa December ang next hearing nila.
Anyway, agad namang dinagsa ang mga post niya ng get well messages.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with