^

Pang Movies

Zaijian, ginawang gay teenager!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Zaijian, ginawang gay teenager!
Zaijian

Wow, does it matter ba to be a former child actor?

Well, obviously, it does.

For look kung anong nagaganap sa showbiz career ni Zaijian Jaranilla, now 19 years old, na gumanap bilang batang (mga about eight years old yata siya) pinagmimilagruhan ni Jesus Christ sa May Bukas Pa. Kaya, nakakapagpagaling siya ng maysakit, na dahilan kung bakit halos sambahin siya ng kanyang townmates.

Well, he plays as a gay teenager naman in his recent series, Boyette.

He will portray an autistic naman sa malapit na niyang simulang teleserye, Keys to the Heart, an adaptation of a Korean movie, kung saan makakasama niya sina Charo Santos-Concio at Joshua Garcia.

Direction: Dan Villegas.

Ruffa, loveless na

Dapat ba nating paniwalaan si Ruffa Gutierrez sa claim niyang loveless siya sa kasalukuyan sa recent presscon ng Stay In Love, upcoming series on TV5?

Which is just ok with her as she is ultra busy. Which is true, kung sabagay.

She had just finished the series, Love Thy Woman, when she was offered to join the cast of the Kathryn Bernaro at Daniel Padilla ongoing series, The House Arrest of US.

And now, ito ngang Stay In Love.

Of Ruffa, together with KC Concepcion, tumungo sila ng Isabela at Cagayan para mamahagi ng relief goods.

Awang awa raw si Ruffa nang makita ang devastation na nilikha ng typhoon Ulysses, lalo na sa dalawang nabanggit na bayan. “Sana, mas marami pang tumulong sa kanila,” Ruffa said.

Nakabalik na sila ni KC ng Manila at sa katunayan ay nasa Boracay sila kasama ang dalawang anak.

Sen. Bong, awang-awa sa mga taga-Cagayan

Personal na tumungong Isabela at Cagayan si Senator Bong Revilla, para makita niya raw mismo ang devastation na iniwan ni typhoon Ulysses sa dalawang bayan at sa mga mamamayan nito.

Tunay na nabagabag daw siya nang husto. Palagay niya, more than just distributing relief goods sa mga biktima, kailangang matulungan ang mga ito na makapagsimulang muli ng magagandang pamumuhay.

Thus, the need, ayon sa kanila, magkaroon sila ng sariling matitirhan.

Karamihan nga naman sa kanila ay mga nasa evacuation centers.

vuukle comment

ZAIJIAN JARANILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with