Matteo at Sarah, hindi nagmamadaling magka-baby!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

“Sana next week na,” ito ang natatawang sagot ni Matteo Guidicelli nang tanungin siya kung kelan nila binabalak ng asawang si Sarah Geronimo na magkaroon ng baby.

Pero at the same time ay hindi naman daw sila nagmamadali at naniniwala naman daw silang ibibigay ito ni God sa tamang panahon.

 “We’re not rushing. In God’s will, that will happen. Sana in the near future, we’ll see,” sey ng aktor nang makausap siya ng entertainment press sa virtual conference para sa bagong produktong ine-endorse niya sa Sun Life Philippines.

Ayon pa sa aktor, “right now, we’re not trying, we just letting life move on and enjoying, and enjoying each other because we haven’t really spent time together in our boyfriend/girlfriend stage. We’re very blessed today and we’re not rushing anything.”

Ikinuwento nga rin niya na kapapanganak lang ng kanyang kapatid na babae kaya may bagong baby sa kanilang pamilya at masayang-masaya raw sila.

 “It’s a blessing and you know, I’m ha­ving so much respect to all the women out there that have children. Talagang I can’t wait for our own in the future, so we’ll see in the future,” he said.

Natanong nga rin si Matteo kung may balak din ba sila na magpakasal sa church at aniya, siyempre ay gusto rin nila.

 “Baka, when the time is right. Sana, of course, I mean ‘yun ang talagang maganda. Kung may vaccine na tayo lahat,” aniya.

It could be recalled that Sarah and Matteo tied the knot in a civil ceremony last Feb. 20 kaya ilang buwan na lang ay magdiriwang na sila ng kanilang first wedding anniversary.

Samantala, ngayon nasa bagong chapter na si Matteo ng kanyang buhay, mas nakatulong sa aktor ang pagiging Ambassador ng Sun Life Ph dahil ito ang naging katuwang niya sa pagbuo ng kanyang financial foundation para sa future ng kanyang binubuong pamilya.

Kaya naman bumuo rin ang Sun Life ng bagong Newlywed Starter Pack para mag-fit din sa kanilang Ambassador at sa iba pang bagong-kasal na tulad ni Matteo.

The Newlywed Starter Pack combines the SUN Smarter Life Classic life insurance and Sun Life Prosperity Achiever 2028 mutual fund investment with rates starting at P5,000 per month. 

“I believe in the value of proper planning for my various pursuits, such as a movie role or a triathlon race, and I look forward to applying this in the next level of my financial journey. With Sun Life, I am more confident that I can give my loved ones a brighter future,” Matteo said.

Sa mga gustong malaman ang detalye sa Celebrity Product Starter Packs, maaari kayong kumonsulta ng Sun Life advisor. Pwede ring mag-log-in sa sunlife.com.ph for more details.

MATTEO GUIDICELLI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with