Andrea nagsalita sa breakup nila ni Derek
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

Naglabas na rin ng kumpirmasyon si Andrea Torres sa hiwalayan nila ni Derek Ramsay na unang naglabas ng breakup nila.

Hindi nga lang tulad ni Derek na sinabing walang third party sa breakup, walang detalyeng ibinigay si Andrea sa statement na ibinigay sa GMANetwork.com.

“Yes, Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give the breakup the same amount of respect that I had for the relationship.

“I think you all know how much it meant to me. I hope you understand. I will always wish him and his family well,” laman ng statement ni Andrea.

Umabot nang mahigit isang taon ang naging relasyon nina Derek at Andrea na isinapubliko ang pagmamahalan noong September last year.

Rocco inalok na ng forever si Melissa

Road to forever na ang relasyon ng Kapuso actor na si Rocco Nacino at da­ting volleyball player na si Melissa Gohing matapos ang tatlong taong relasyon!

Nag-propose na si Rocco kay Melissa nitong November 20. Naganap ang proposal sa isang open hill sa Valleygolf Subdivision sa Antipolo na kinalulugaran ng ipinatayong bahay ni Rocco. “And she said yes. I love you forever @gohingmelissa,” simpleng caption ni Rocco sa kanyang Instagram sa pictures nila na pinalibutan ng mga bulaklak.

Ayon sa reports, sinasaksihan ng parents at kaibigan nina Rocco at Melissa ang engagement sa pamamagitan ng video conferencing.

ANDREA TORRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with