Lovi, best actress sa Manhattan!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

Smooth ang takbo ng lock-in taping ng Owe My Love na pinagbibidahan ni Lovi Poe with leading man Benjamin Alves sa GMA 7.

Dere-deretso raw ang taping nila at mukhang walang inip factor sa set dahil romantic-comedy series nga ‘yon under GMA News and Public Affairs.

Bukod sa lock-in project, may isa pang good news about Lovi.

Siya ang tinanghal na best actress sa 10thInternational Film Festival Manhattan para sa pelikulang Latay (Battered Husband) na kasali roon.

Best Global Feature Film din ang pelikula at nanalong best actor naman si

Ayon sa manager ni Lovi na si Leo Dominguez, sinulatan sila ng mga taga-IFFM para ipaalam na si Lovi ang nanalong best actress.

Sobrang saya nga raw ni Lovi sa tinanggap na parangal!

Bale pinagawa raw ng acceptance speech video ang aktres na puwedeng mapanood sa website ng nasabing filmfest.

Virtual din ang 10thIFFM this year dahil nga sa COVID-19 pandemic.

Diegho nina Monching at Lotlot, lalabas na sa ASAP

Ang live guesting ngayong tanghali ni Diegho Gutierrez sa ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN na mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, iWantTFC app, ABS-CBN Entertainment YouTube channel and Facebook page at sa TFC (The Filipino Channel).

Magaling kumanta si Diego. Mana siya sa parents niyang sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon, plus sa mga lolang sina Pilita Corrales and Nora Aunor at mga lolong sina Eddie Gutierrez at Christopher de Leon.

Actually, dapat ay may album na si Diego at sa Los Angeles, California sana siya magre-recording noong March, pero nabinbin ‘yon dahil sa COVID-19 pandemic.

Paalis na noon si Diego, pero pinigilan siya ng kanyang tatay, na mabuti naman dahil kung nagkataon ay na-lockdown lang siya sa L.A.

Bukod sa live guesting today, may taping din bukas sa ASAP Natin ‘To ang nag-iisang anak na lalaki ng dating mag-asawang sina Ramon Christopher at Lotlot.

Lorin dalagang-dalaga ang hitsura ‘pag naka-bikini

Nasa Boracay Island ngayon si Ruffa Gutierrez kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice, kaya nang nagka-chat kami kahapon ng umaga ay biniro niya ako na naka-swimsuit daw siya sa virtual presscon kahapon ng TV5 series na Stay-In Love.

Pero siyempre, kapag nagsu-swimming sila sa beach ng kanyang mga anak, natural na naka-swimsuits sila na kapag naka-swimsuit si Lorin, talagang dalagang-dalaga na ito.

Bale 17 years old na si Lorin at 16 years old naman si Venice.

Anyway, kahapon nga ginanap ang virtual presscon ng new TV5 series na pinagbibidahan ni Maris Racal with Kokoy de Santos ay leading man. Dapat ay si Iñigo Pascual ang leading man ni Maris sa project na ‘yon, pero hindi ito napayagan ng ABS-CBN dahil marami pa rin naman itong proyektong ginagawa sa Kapamilya network.

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with