Jodi, nagbabalik- bansa para sirain ang buhay ni Iza
(Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos magtayo ng isang kumpan­ya para labanan ang Ceñidoza’s Pearls, nagbabalik si Jodi Sta. Maria (Marissa) para tuluyan nang wasakin ang buhay ni Iza Calzado (Ellice) sa Ang Sa Iyo Ay Akin na napapanood na sa A2Z channel sa digital TV boxes gaya ng TVplus. 

Ibinulgar na sa episode noong Biyernes (Nobyembre 20) na si Marissa ang may-ari ng La Sierra.

Kahit wala pa siya sa bansa, pinramdam na niya kay Ellice ang hagupit ng kanyang paghihiganti matapos kunin ang kumpanya ni Gabriel (Sam Milby) bilang contractor ng branches nito, na siya naman naging mitsa ng away ng mag-asawa. 

Sa huli, nagkaayos namang muli ang dalawa at naisipan ni Gabriel na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang kanilang relasyon.  

Sa kabilang banda naman, napatawad na ni Hope (Kira Balinger) si Jake (Grae Fernandez) matapos patunayan ng huli na hindi siya ang nagkalat ng chismis tungkol sa dalaga.

Maging matagumpay kaya ang pagi­hhiganti ni Marissa? Sa kanyang pagbabalik, maunsi­yami kaya ang plano ni Gabriel na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang pagsasama nila ni Ellice? 

Patuloy na panoorin ang pangalawang yugto ng  Ang Sa Iyo Ay Akin gabi-gabi, 8:40 p.m. sa A2Z channel at Kapamilya Channel.

IZA CALZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with