Derek at Andrea, may mga bagay na ‘di kinaya
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 21, 2020 - 12:00am

Ang daming speculations sa reason ng breakup nina Derek Ramsay at Andrea Torres. Para bang hindi na lang matanggap na baka talagang it is not meant to be, kaya naputol ang relasyon.

Sure ako na both parties are grieving, both are sad, parehong nanghihinayang sa ending ng love story nila. Kung hindi na talaga puwedeng ma-save pa, let us just pray na maka-move on sina Derek at Andrea at maging mabuting friends sa isa’t isa. They are both good people at kaya naman nagtagal ng more than a year ang kanilang love dahil they really feel in love. Siguro nga, may mga bagay na hindi nila kinaya kaya nauwi sa breakup.

I hope they can easily recover and bounce back without pain and regrets. They both deserve to be happy, and let us help them out. Huwag na tayong mag-judge o mag-speculate. Love lost, find it again, iyon na lang ang ipagdasal natin sa dalawa. 

Atty. Ferdie, tutok sa concert ni Myrtle

Alam mo, Salve, iba talaga ‘pag face to face ang interview. Like ng personal nating nakausap si Atty. Ferdie Topacio na very hot ngayon dahil siya ang producer ng Mamasapano the movie at ng darating na concert ni Myrtle Sarrosa.

Bongga si Atty. Ferdie dahil very close siya sa mga showbiz reporter ever since, kabiruan niya, katsikahan niya, at talagang very sincere naman ang pakikitungo niya sa lahat.

All ears kami sa kanyang off the record stories at dahil sa very funny delivery ni Atty. Ferdie nagiging malaking katuwaan sa lahat.

Classic sa akin ‘yung kuwento tungkol sa isang young starlet, at ‘yung nameless new star na nag-dive sa ilalim ng mesa. Pero mas maganda sa pandinig ko ang pag-aalaga niya kay Myrtle Sarrosa na talagang binigyan niya ng malaking importansiya at ginastahan ang concert na tinitiyak niya na magiging malaking success, dahil naiiba at lahat ng hahanapin sa isang big concert ay nandu’n.

Thank you rin sa malasakit ni Atty. Ferdie sa mga biktima ng Mamasapano na talagang isang napakalaking injustice na nangyari sa ating mga sundalo. Sa tulong ni Atty. Topacio kahit papaano, may nakuhang maliit na benefit ang mga naulila.

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with