_pang-masa
^
Cherie, susubukang makasama ang mga anak sa NY

Cherie, susubukang makasama ang mga anak sa NY

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 21, 2020 - 12:00am

Naghahanda na ang award-winning actress na si Cherie Gil para sa lock-in taping ng GMA teleserye na Legal Wives. Makakasama rito ni Cherie sina Dennis Trillo, Bianca Umali, Andrea Torres at Alice Dixson.

Marami nga raw dadalhin si Cherie dahil ilang weeks daw silang nasa location. Ang hindi raw puwedeng dalhin ng aktres ay ang kanyang pet dog dahil pinagbabawal ang pets sa lock-in taping.

Plano naman ng aktres na lumipad for New York para makasama ang kanyang mga anak for Christmas. Since the pandemic, sa pamamagitan ng video call lang niya nakakausap at nakikita ang tatlong anak na sina Jay, Bianca at Raphael. “They all live and work in New York. Noong magkaroon sila ng hard lockdown, they are not allowed to go outside. I miss my kids so much dahil ilang buwan ko na silang hindi nakasama. Kaya God-willing, I will be able to fly to New York to be with them for Christmas.”

Kelan lang ay nag-Zoom reunion sila ng mga naging student niya sa kanyang masterclass.

Jason, nagpainom sa mga binagyo

May kanya-kanyang paraan ang celebrities para makatulong sa mara­ming nasalanta ng bagyong Ulysses.

Kabilang na rito ang aktor na si Jason Abalos na ang naging focus ay mahatiran ng malinis na tubig ang mga taga-Cagayan at Isabela.

Post ng aktor sa IG: “Maigsing kwento lang, kahapon kausap ko pinsan ko na nasa Isabela sabi ko bili tayo water containers para pwede pa magamit ulet at sana may mga refilling station sa cagayan at isabela na magbigay muna ng libreng refill ng tubig at yan po ay gagawin ni @mitch.abalos sa isabela. Naka pag bigay po kami ng ilan. Pero madami pa din po ang nangangailangan ng malinis na tubig na maiinom. Hindi ako nag cecelebrate ng birthday pero magsisimula ako ngayon at mag papainom tayo ng malinis na tubig, DM nyo na lang po yong regalo nyo na donasyon at bibili tayo ng water containers para sa pamilyang nasalanta ng bagyo. maraming salamat po.”

Sa latest update ni Jason, higit na 400 families ang nabigyan nila ng maiinom na malinis na tubig.

CHERIE GIL GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with