Sharon, $1 million ang pangarap na diamond

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 20, 2020 - 12:00am

Pangarap pala ni Sharon Cuneta na magkaroon ng pink diamond pero napakamahal daw kaya hindi niya mabili.

Ipinost ni Megastar ang small clip ng pink diamond na aniya ay pangarap na raw niya since bata pa siya.

“Malungkot po ako at nagdadasal para sa mga nasalanta ni Ulysses. Pero itong post na ito po, pangarap ko lang naman po mula noong bata pa ako at nakikita ko ang mga alahas ng Mommy ko. Di masama ang mangarap...

“Pampangiti lang sa sarili paminsan-minsan,” simula ng caption ni Shawie.

Aniya pa, ang presyo raw ng 6 carats na pink diamond ay nagkakahalaga na ng US$1 million at inalok na nga siya before.

“OA kasi ang presyo! Example: 6 carats ng pink diamond ay nagkakahalaga ng US$ 1M. May nagoffer na kasi sakin noon. Maryosep. Pag singsing ayoko mas maliit sa 6,” dugtong pa niya.

Well, hindi naman siguro sa hindi kayang bilhin ni Shawie ang pink diamonds dahil for sure ay mayroon naman siyang US$1M and more pa. It’s just that namamahalan siya. At sobrang mahal nga naman talaga na parang kaysa ibili mo niyan ang pera mo ay i-invest mo na lang sa properties.

Jennylyn at Dennis, naghahanap ng isang truck na donasyon

Isang buong truck ang pinupuno ngayon ng donasyon ng showbiz couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo para dalhin sa mga nasalanta ng baha sa Cagayan.

Ipinost nina Jen and Den sa kanilang Instagram account ang larawan ng 25 toneladang truck na paglalagyan ng mga donasyon. Ayon kay Jen ay may naihanda na silang 1,000 bags of relief goods pero dahil nga sa napakalaki ng truck ay marami pang space para sa mga gusto ring mag-donate.

“BESSIES, HELP US FILL THIS ULTIMATE STARTRUCK FOR CAGA­YAN SURVIVORS. Calling for your help na punuin natin ng donation itong truck na ito para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan!

“Bukod sa mismong truck, may hinahanda na kaming 1000 bags of relief goods. Bilang ang laki nito, there’s room for more donations!

“Help us provide for the vulnerable and displaced families left in Tuguegarao through @litterbucks’ cookies for a cause, or by sending your monetary or in-kind donations to Litterbucks bago umalis ang team namin papuntang Cagayan next Friday. Wala pong maliit na tulong!

“YOUR HELP WILL GO A LONG WAY. For more details and updates, kindly visit @litterbucks #ultimateStartruck,” ang caption ni Jen.

Sa larawan namang ipinost ni Dennis ay makikita ang quotes na “Dream, Believe, Donate: StarTruck” na hango sa slogan ng GMA 7 reality show na StarStruck.

“Marami pa ring Cagayanos ang nangangailangan ng ating tulong matapos manalasa sa kanila ang bagyong Ulysses. Hayaan niyong maging daan kami para madala ito sa kanila sa pamamagitan ng truck na ito.

“Magkaisa tayo na ipadama na nag-uumapaw at  punong punong pagmamahal natin sa kanila sa pamamagitan ng pag-donate at pagpuno ng truck na ito ng kinakailangang nilang pagkain o supplies.

“Mas maagang maipaabot ang tulong ay mas maaga ring makakalarga ang truck na ito papunta sa kanila. Believe in the power of compassion and donate now via #UltimateStarTRUCK,” ang caption ng aktor.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with