Lea, nawindang na naman sa module ng DepEd

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 19, 2020 - 12:00am

Nagpahayag na naman ng pagkadismaya si Lea Salonga sa Department of Education’s learning module na as we all know ay siyang gamit ngayon sa pagtuturo sa mga estudyante under the “new normal.”

This time ay pinuna naman ni Lea ang multiple choice sa isang module tungkol sa tattoos na ang isa sa pagpipiliang sagot ay simbolo ng pagiging isang kriminal at ayon daw sa answer key ng DepED ay ito ang tamang sagot.

Narito ang Facebook post ni Lea:

“Okay, someone would need to tell me if this thing is really ok’d by the DepEd. And if so WHAT KIND OF BS IS THIS???

“For the benefit of my friends that don’t speak the language, here’s a rough translation of the encircled part:A tattoo is a symbol of _________. A. being a criminal B. being a slave C. courage and beauty D. having low standing in society

“According to the DepEd answer key, letter A is the correct answer. (For the love of God...)

“I am THISCLOSE to getting a tattoo, if only to prove a point.

“Can someone upload a photo of the full, unedited sheet? That whole LETTER A thing covers the rest of it, and we need some context.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na naloka si Lea sa isang learning module.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay pinuna rin niya ang larawan ng owl pero ang nakalagay sa description ay ostrich.

Pinuna rin niya ang module tungkol sa pag-aaral ng kulay pero in black and white ang print kaya paano nga naman malalaman ng estudyante ang tamang color.

LEA SALONGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with