Jessy, na-fake news sa pambabastos sa naMayapang si Rico Puno
Jessy

Jessy, na-fake news sa pambabastos sa naMayapang si Rico Puno

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 18, 2020 - 12:00am

Pumalag si Jessy Mendiola sa nag-viral na larawan niya at pinalalabas na siya ang nag-post. Makikita sa nasabing photo na nakasuot siya ng two-piece bathing suit at sa caption ay nakalagay ang “RIP RICO J. PUNO.”

Sa Instagram Story ni Jessy ay sinabi niyang fake news iyon at hindi siya ang nag-post.

“Guys, tanga nalang maniniwala na I posted this. Please refrain re-tweeting or reposting this EDITED pic. RESPETO naman sa sumakabilang buhay,” ang caption ni Jessy.

Dagdag pa niya, “wag maniwala sa lahat ng nakikita online.”

Well, kami man ay hindi naniniwala na si Jessy ang nagpost nu’n at hindi naman siya mal-edukado para gawin ‘yun lalo na nga sa kasamahan sa showbiz at veteran pa.

Tama naman si Jessy. Tanga na lang ang maniniwala na siya nag-post nu’n.

Robin at Mariel, binigyan ng bahay ang mga kasambahay

Wala kaming masabi sa mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez dahil may libreng pabahay sila para sa kanilang mga kasambahay. Hindi lang isa kundi halos lahat ng staff nila ay nabiyayaan.

Sa kanyang latest YouTube vlog ay ipinakita ni Mariel ang ilang pintuan ng apartment na ipinagawa ng kanyang mister kung saan din nakatira ang ilang Muslim families na tinutulungan ng action star noon pa.

Ayon kay Mariel, ibinabalik lang nila ang pasasalamat sa mga kasambahay na ito na hindi sila iniwan kahit may pandemya at patuloy silang inaalagaan.

Naisip daw ng kanyang mister na i-secure ang pamilya rin ng mga kasambahay nila para hindi na mag-alala ang mga ito sa safety ng kani-kanilang pamilya.

“Syempre, mag-aalala sila, ang dami-daming nangyayari, so mag-aalala sila sa mga pamilya nila. And we wanted to remove that worry away from them para hindi na nila ‘yun iniisip,” sey ni Mariel.

“Robin decided to take them under his wing. There’s a place wherein Robin takes care of a few Muslim families, and for the very first time, we opened their doors to Christians, to Catholics like myself, for our staff.

“It is because they are also sacrifi­cing so much for their families, it is because they have showed us loyalty, nagpakita sila ng pagmamahal sa amin at gusto naming suklian ng pagmamahal din ‘yung ipinapakita nilang pagmamahal at mabuting serbisyo sa amin,” dagdag pa niya.

Ang mga nabigyan ng bahay ay sina Erna na labandera at cook nila for 10 years, si Sister Jam and Belen na all-around helpers, si Elsie, at ang mga yayang sina Jo at Analyn na matagal na ring naninilbihan sa kanila.

Abut-abot ang pasasalamat ng mga staff sa kabutihan ng kanilang amo at maging sina Mariel at Robin ay masaya rin na naisaayos din nila ang kalagayan ng pamilya ng kanilang kasambahay.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with