KC, nagbenta ng alahas
KC

KC, nagbenta ng alahas

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 17, 2020 - 12:00am

Nagsasagawa ng mga auction ngayon ang ilan nating artista para maipangtulong sa mga biktima ng bagyong Ulysses. Nauna na nga rito ay ang TV host na si Willie Revillame na ibinenta ng palugi ang kanyang Range Rover na sasakyan at ang pinagbentahan ay ibinigay niya sa mga nasalanta ng baha sa Marikina at Rodriguez, Rizal.

Si KC Concepcion naman ay nag-post sa kanyang Instagram account at ibinebenta ang mga alahas ng kanyang jewelry online shop na Avec Moi Jewelry. Ido-donate naman niya sa mga nasalanta ng baha sa Cagayan ang kanyang mapagbebentahan.

Sa larawan na ipinost ni KC ay makikita ang suot niyang necklace and ring na siya mismo ang nag-design.

“I’m selling ready-made, handcrafted @avecmoijewelry pieces (it usually takes 4 weeks made-to-order), designed by yours truly, for the IMMEDIATE RESCUE & RELIEF efforts in Cagayan, Northern Philippines. They will be available to serious buyers on Tuesday, November 17th,” ang caption ni KC.

Kung sasakyan si Willie at alahas si KC, ang isa naman sa kanyang mamaha­ling damit ang isinubasta ni Heart Evangelista. Ipinost ni Heart sa IG ang larawan ng kanyang Filipiniana dress na gawa ng sikat na designer na si Mark Bumgarmer. Kaagad na nabili ang nasabing damit kaya ang inaabangan na ngayon ng mga netizens ay ang iba pang designer pieces na ibebenta ni Heart.

Mabilis ang responde...

Hindi rin nagpatumpik-tumpik ang show ni Angel Locsin sa ABS-CBN na Iba ‘Yan sa pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses dahil nag-post agad sila sa Facebook noong Huwebes (Nov. 12, morning after ng bagyo) at nangalap ng impormasyon tungkol sa mga nangangailangan ng rescue dahil sa bagong Ulysses.

Ayon sa kanilang post ay pipilitin nila na maipaabot ang panawagan ng mga Kapamilya sa kani-kanilang LGU. Marami naman ang nagkomento sa post na ipinaalam ang mga address nila at kanilang mga mahal sa buhay.

Maagap ding naghanda ng relief packs si Angel para sa mga nasalanta ng bagyo base sa post niya sa kanyang Instagram account.

Bukod pa sa team Iba Yan, agad din na sumaklolo ang emergency unit at rescue team ng ABS-CBN nang malamang maraming kailangan ng tulong sa Marikina at Rizal.

Kita sa post ng new media coordinator ng ABS-CBN Films na si James Banaag ang dalawang teams ng Kapamilya network na naghahanda para tumulong sa rescue operations. Kaya naman maraming netizens ang humanga sa Dos na ginagawa raw ang lahat para makatulong sa panahong ito. Biro tuloy ng iilan, para namang hindi nawalan ng prangkisa ang network dahil sila pa rin ang nararamdaman ng mga taong tumutulong at naghahatid ng balita lalo na ngayong may bagyo.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with