_pang-masa
^
Dulce, tatlong beses ikinasal

Dulce, tatlong beses ikinasal

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - November 17, 2020 - 12:00am

Alam ba ninyo na ang tinaguriang Asia’s Timeless Diva na si Dulce ay tatlong beses nagpakasal sa magkakaibang guys?

Unang pinakasalan ng veteran singer ang isang Amerikano in 1982 pero ito’y fixed marriage (for convenience) para lamang maging legal ang kanyang pamamalagi sa bayan ni Uncle Sam. 

Sumunod na pinakasalan ni Dulce ang biyudong singer-actor na si Danny Cruz in 1985 at nagkaroon sila ng tatlong anak – sina DJ, Dave at Dana na pare-pareho nang nakapagtapos ng kanilang pag-aaral at pare-parehong professionals.

Ang pagsasama nina Dulce at Danny ay nauwi sa hiwalayan.

April 2010 ay pinakasalan naman ng belter singer ang Germany-based noon na si Bernard Beltran Cruzata at meron silang dalawang anak na parehong babae, sina Jemimah at Abigail.

Napa-colorful ng naging buhay ni Dulce since she was a kid na nakaranas ng maraming pang-aapi at rejection growing up  dahil hindi umano siya maganda.

Daddy ni Ice, natupad ang huling wish

Malungkot man ngayon si Ice Seguerra, ang kanyang inang si Mommy Caring at nakababatang kapatid na si Juan C (Juan Carlos), maluwag naman sa kanilang dibdib na tinanggap ang pagpanaw ni Daddy Dick (Decoroso Seguerra) na sumakabilang-buhay ng alas-12:05 ng tanghali noong nakaraang linggo, November 15, 2020.  He was 77.

Matagal ding nakipaglaban si Daddy Dick sa kanyang karamdaman na prostate cancer pero masaya umano itong lumisan dahil nagkaroon sila ng mahabang oras na mag-bonding bilang pamilya, magkaliwanagan at magkapatawaran. Pinagbigyan din ni Ice ang huling hiling ng kanyang daddy na madalaw ang puntod ng kanyang parents (grandparents ni Ice) sa Calauag, Quezon gayundin ang iba nilang mga kaanak doon na hindi na niya nakikita.

Ang wake ni Daddy Dick ay sa St. Peter’s Chapel in Quezon Avenue, Quezon City simula sa araw na ito ng Martes, November 17.

Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang  aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay na iniwan ni Daddy Dick.

ICE SEGUERRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with